(Kabacan, North Cotabato/ December 8, 2014)
---Naghanda ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para sa
bagyong Ruby kahit na hindi ito direktang tumama sa probinsiya.
Ayon kay PDRRMC Head Cynthia Ortega,
nakahanda na ang mga goods and services ng bawat distrito ng Cotabato ng sa
ganun kung sakali man na may nangailan ay mas madali nalang itong
makakaresponde.
(VO: PDRRMC Head Cynthia Ortega)
Matatandaang walo na ang nasawi ang buhay
dahil sa bagsik ni bagyong Ruby.
Una na din niyang sinabi sa panayam ng DXVL
na bagamat hindi direktang tatama ang bagyo sa probinsiya ay mas mabuting
nakahanda o nakaalerto ang lahat.
Samantala, nagpapalala din si Ortega na
maging alerto sa maaring mangyaring insedente sa probinsiya.
(VO: PDRRMC Head Cynthia Ortega)
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern Mabeth Navarro DXVL News.
DXVL (Periodiko Express) December 8, 2014
Isang
magsasaka, patay sa Matalam Cotabato
Dead on the spot ang
isang magsasaka matapos itong pagbabarilin sa Sitio Cientodos, Brgy. Manubuan
bayan ng Matalam noong Disyembre 6, alas kwatro ng hapon.
Kinikilala ng Matalam PNP ang biktima na si
Abdulasis Balatamay, 21 anyos at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, papauwi na umano ang
biktima kasama ang kanyang ina na si Halima Hadji Dash Ali mula sa kanilang
sakahan at nang makarating sa sakahan ng Patadan Family ay bigla umano siyang
pinagbabaril ng suspek na kinilala namang si Kamarudin Galanga, residente ng
Sitio Mateo, bayan ng Matalam.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente (8)
walong basyo at isang live ammu na pinaniniwalaang nanggaling sa M16 rifle.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng
Matalam PNP sa naturang insidente.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Desiree Baylon , DXVL News
DXVL (Periodiko Express) December 8, 2014
Christmas
décor patok sa mga mamimili ngayong nalalapit na ang Pasko
Puspusan na ang pagbili ng mga mamimili ng
mga Christmas decors ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.
Ayon sa panayam ng DXVL Team sa isang
salesboy na patok ngayong pasko ang kanilang Christmas tree, garland, Christmas
light at poinsettia.
Ang presyo ng Christmas tree na maliit ay
nagkakahalaga ng 30 pesos at ang pinakamalaki naman ay nagkakahalaga ng 400
pesos depende sa disenyo nito. Christnas light ordinary ay nagkakahalaga ng
60pesos, rice light 80 pesos, meteor lights ay 550 pesos at ang tube light ay
nagkakahalaga naman ng 40 pesos per meter.
Ang Santa Claus naman ay 400 pesos, garland
na nagkakahalag ng 15 pesos depende sa disenyo nito, poinsettia 15 pesos ang
malalaki at 10 pesos ang maliliit. Merong ding hanging décor na nagkakahalaga
naman ng 150 pesos.
Sinigurado naman ng bawat establisyemento na
may ICC stickers ang kanilang mga Christmas light na pabili para maging ligtas
ang lahat ng mga mamimili.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Ruth Oyao , DXVL News
DXVL (Periodiko Express) December 8, 2014
Presyo
ng Gasolina sa bayan ng Kabacan nananatili parin sa dati nitong presyo
Nananatili pa rin sa dati nitong presyo ang
gasolina sa bayan ng Kabacan, ito ayon sa panayam ng DXVL team sa iilang
gasolinahan, hindi pa umano sila nagpapatupad ng rollback sa presyo ng gasolina
dito sa bayan.
Narito ang presyo ng iilang gasolinahan
kabilang na ang Shell at Petron.
Ang Diesel ay nasa 38.55 ang presyo,
Unleaded na nasa 44.60 pesos, XCS na nasa 44.68 pesos at Regular na nasa 44.28
pesos pa rin.
Inaasahan naman na maipapatupad bukas ang
inaasahang rollback sa presyo ng gasolina.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Charlene Basal , DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento