(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 4,
2014) ---Matagumpay na nagbukas ang USM Faculty and Staff meet 2014 kahapon ng
umaga. Pinangunahan ito ni USM President Francisco Gil N. Garcia at ng ibang
opisyal ng Unibersidad.
Sinundan ito ng iba’t-ibang mga aktibidades
na nilahukan ng lahat ng mga kawani ng Unibersidad sa pangunguna ni Dr. Judy L.
Garcia ang Dean ng Institute of Sports Physical Education and Recreation.
Ayon sa kanya hinigpitan nila ang seguridad
ng buong Unibersidad upang maging ligtas ang lahat ng mga nakilahok at maging matiwasay
ang takbo ng nasabing aktibidades.
(VO: Ang tinig ni Dr. Judy L. Garcia)
Konektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Charlene Joy Basal, DXVL
NEWS.
DXVL (THE MORNING NEWS)
DEC. 4, 2014
1
lalake, arestado matapos ang isinagawang operasyon ng otoridad kontra illegal
na droga kahapon
Arestado ang isang lalake matapos ang
isinagawang operasyon ng mga otoridad kontra illegal na droga sa Brgy. Kayaga,
kabacan Cotabato.
Naguna sa operasyon ang Criminal
Investigation and detection Group Central Mindanao at Kabacan PNP sa pamumuno
ni Chief Inspector Ernor Melgarejo.
Kinilala ang suspek na si Abubakar Abdul
Mantis, pawang resident eng nasabing lugar.
Nakuha mula sa mismong bahay ng suspek ang
anim na small sachet at isang jumbo pack na shabu na ngkakahalaga ng 200-250
thousand.
Nakumpiska din ang mga drug paraphernalia
gaya ng mga foil, lighter at iba pa.
Bukod dito nakumpiska din ang mga iligal na
baril gaya ng 12 gauge shotgun, isang kalibre .45 , isang 38 calibre revolver
at tatlong fragmentation grenade.
Dahil sa mga nakalap na ebidensya, nahaharap
ang suspek sa patong-patong na kaso.
Konektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Mabeth Navarro, DXVL NEWS.
DXVL (THE MORNING NEWS)
DEC. 4, 2014
Bureau
of Fire Protection Kabacan, nagbigay ng paalala para sa nalalapit na Pasko ata
Bagong taon
Nagbigay ng paalala ang Bureau of Fire
Protection Kabacan, sa mga mamamayan para sa nalalapit na kapaskuhan at
pagpasok ng bagong taon.
Ayon sa panayam ng DXVL kay Fire Senior
Inspector Ibrahim Guiamalon, ito ay kaugnay sa kanilang proyekto na Oplan
Paalala 2014, Iwas paputok, sakuna at sunog na may temang “Nakahandang
pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan ngayong pasko at bagong taon”
Kaugnay ditto nagbigay ng mga tip ang BFP
Kabacan para sa mas ligtas na pasalubong una ay sa halip na gumamit ng paputok
at pailaw ay gumamit ng mga bagay na nagbibigay ng tunog. Pangalawa ay
magtanong sa himpilan ng pamatay sunog kung saan sa barangay ang itinilagang
lugar para magpapaputok.
(V.O)
yan ang tinig ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Desiree Baylon, DXVL NEWS
December 4, 2014
Kabacan
PNP, muling nagpaalala sa mga mamamayan na maging maingat at vigilante
Muling nagbigay ng paalala sa mga mamamayan
ang pamunuan ng Kabacan PNP na mag ingat at vigilante dahil sa dumaraming nakawan
sa bayan.
Matatandaang ang huling nangyaring nakawan
ay kahapon lamang sa USM Avenue kung saan natangay ang isang laptop at
cellphone ng isang estudyante ng USM.
Sa pagsisimula pa lamang ng buwan na ito ay
anim na kasu na agad ang naitala sa data ng Kabacan PNP.
(VO: Ernor Melgarejo)
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern, Mabeth Navarro, DXVL News
DXVL (Periodiko Express)
December 4, 2014
170
mga bata, makatatanggap ng Pamaskong Handog
Magsasagawa ang University of Southern
Mindanao Department of Development Communication ng isang Community Extension
Program, bukas, sa Brgy. Tulunan Kabacan Cotabato.
Ito ay isang taunang aktibidades ng nasabing
departamento kung saan magkakaroon sila ng Pamaskong Handog para sa 170 mg bata
ng Tulunan Elementary School.
Ang programa ay pangungunahan ng 3rd
year DevCom students at sa pakikipagtulungan ng College of Arts and Sciences –
Local Student Government at Tulunan Elementary School Teachers.
Magsisimula ang programa sa ganap na alas
otso ng umaga kung saan mamamahagi sila ng school supplies katulad ng lapis,
papel at notebook. Masusundan naman ito ng feeding program.
Ang pagbibigay ng mga school supplies ay
pangungunahan ni Dr. Roviline Rapisura Ph.D. Magabibigay din ng mensahe ang
punong-guro ng nasabing eskwelahan na si Mrs. Cecilia Galiza.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern, Desiree Baylon, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento