(Pikit, North
Cotabato/ December 9, 2014) ---Mas lalong pinaigting ng Pikit PNP ang kanilang
seguridad matapos ang pangyayaring pamomomba sa bayan.
Matatandaan ang
pinakahuling nangyari ay ang paghahagis ng granada sa Alpha Company 7th
IB Army Detachment sa Mahad Brgy. Inug og Pikit Cotabato noong kamakalawa ng
gabi.
Sa panayam ng DXVL
kay OIC Chief of Police Sindatu Karim, nagpakalat na umano sila ng Task Force
Pikit, kasundaluhan at nakalatag na rin umano ang kanilang security plan para
mas mahigpitan ang kanilang antas ng seguridad.
Dagdag pa nito ay
magkakaroon ng inspeksyon sa bawat malalaking establisyemento at 24 oras na
pag-iikot para makaiwas sa anumang sakuna.
Nag-iwan naman ng
mensahe si Chief of Police Karim sa mga mamamayan sa bayan ng Pikit.
(VO) ang tinig ni COP Sindatu Karim
Kunektado ka sa mga
balita, USM Devcom Intern, Dess Baylon DXVL News
DXVL News (The Morning News)
December 9, 2014
7 katao naaresto sa operasyon kontra illegal na droga sa
bayan ng Kabacan
Naaresto ang pitong
tao matapos ang operasyon kontra illegal na droga ng mga otoridad sa panulukan
ng Tandang Sora at Zamora St. Kabacan Cotabato kagabi.
Itoy malapit sa
bahay ng Mayor ng Kabacan.
Isinagawa ang
operasyon ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PCI Ernor Melgarejo.
Nakuha mula sa
pinangyarihan ang libu-libong halaga ng droga at ibat ibang illegal drug
paraphernalia.
Bagamat hindi pa
kinilala ang mga suspek, patuloy pa ang ginagwang imbestigasyon.
Kunektado ka sa mga
balita, USM Devcom Intern, Mabeth
Navarro, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento