Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Sari-sari store, nilooban ng mga kawatan sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 1, 2014) ---Nilooban ng mga di kilalang mga kawatan ang isang sari-sari store sa brgy. Kayaga National Highway Kabacan Cotabato, 5 ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang may ari ng sari-sari store na si Ginang Rosalinda A. Nahiner, 56 anyos, may asawa at resident eng nasabing Brgy.

Ayon kay ginang Rosalinda, sinira di umano ng mga suspek ang kandado ng kanilang bahay at agad dumiretso sa kanilang tindahan tangay ang grocery supplies at ang bag na naglalaman ng mga personal ID’s.

Malaki ang paniniwala ng may-ari na inakala ng mga suspek na may lamang pera ang kanilang tindahan ngunit ng walnag makita ang mga ito ay kinuha nalang ang mga grocery na nandoon.

Patuloy naman ngayong iniembistigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Charlene Joy Basal, DXVL News







DXVL (The Morning News)
December 1, 2014
Bagong naitalang OIC sa Kabacan PNP, nagpatupad ng mga bagong plano para sa seguridad ng Kabacan.
Nagpatupad ng mga plano para sa seguridad ng bayan ng Kabacan ang bagong OIC ng Kabacan PNP na si Chief Inspector Major Ernor Melgarejo.
Ayon sa kanya, kahit na natural ang estado ng bayan sa ngayon, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may masasamang loob parin ang nagbabalak na maghasik ng karahasan dahilan para hindi nila ibaba ang kanilang alerto.
Kaugnay nito, inerekomenda ni Melgarejo ang pagpapatindi ng pwersa ng kapulisan sa bawat checkpoint ng bayan, mas pina igting ang pagpapatrolya lalu na sa lugar na maraming tao, pag tugis sa mga elementong naghahasik ng kasamaan.

Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Mabeth Navarro, DXVL News










DXVL (The Morning News)
December 1, 2014
Isang tindahan sa public market, niransak ng mga kawatan
Niransak ng mga di nakikilalanh suspek ang isang tindahan ng dressed chicken sa public market Maria Clara St. Kabacan Cotabato alas tres ng medaling araw kahapon.
Kinilala ng Kabacan PNP ang may-ari ng nasabing tindahan na si Sohrab D. Tanjili, 51 anyos at resident eng Purok Masagana Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.
Ayon sa report, sapilitan umanong pinasok ng mga di pa matukoy na bilang ng mga suspek ang tindahan na ito sa pamamagitan  ng pag daan sa bubong sa nasabing tindahan.
Natangay ng mga ito ang isang calculator at cash na nagkakahalagang P2,500.
Patuloy pa ngayong inaalam ng Kabacan PNP ang mga responsable sa nasabing insedente.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Ruth Oyao, DXVL News








2 barangay sa bayan ng Kabacan, binaha, dalawang bahay nasira
Dalawang bahay ang nasira matapos na sinalanta ng pagbaha ang barangay Malanduage at Bannawag noong biyernes.
Ayon kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Head David Don Saure sa panayam ng DXVL, may 37 apektadong pamilya sa Brgy. Malanduage at 31 na kabahayan ang bahagyang naapektuhan ng naturang flashflood.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nasabing pagbaha.
Agad namang rumisponde ang LGU Kabacan upang asikasuhin ang mga nasalanta ng pagbaha.
(VO: Tinig po yan ni Kabacan MDRRMC Head David Don Saure)
 Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Ruth Oyao, DXVL News












Budol-budol gang, nambiktima sa bayan ng Kabacan
Inilarawan ng isang ginang ang modos operandi ng mga hinihinalang budol-budol gang matapos na mabiktima ng mga ito kamakailan sa Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.
Ito, ayon sa ginang na tumangging magpakilala sa eksklusibong panayam ng DXVL.
Anya isang Van na kulay green ang tumigil sa kanilang bahay sa Brgy. Katidtuan dito sa bayan habang naglilinis ito.
Lumapit umano ang isang lalaki at dalawang babae na nagpakilalang agent ng power saver na tumutulong upang mababa ang paggamit ng kuryente.
Nagbigay din umano siya agad ng P5,000.00 bilang paunang bayad sa naturang produkto.
Agad namang tumawag ang biktima sa COTELCO upang kumpirmahin ang naturang produkto at napag-alaman na naloko siya ng Budol-budol gang.
Panawagan naman ng biktima na maging alerto at huwag agad magtiwala sa mga kahina-hinalang tao.
(VC) yan ang tinig ng ginang sa panayam ng DXVL

Dess Baylon

0 comments:

Mag-post ng isang Komento