Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamumuhay ng may Kapayapaan –Gov Mendoza

“You have to live peace and you have to be at peace”, Ito ang sinabi ni Gov. Emmylou “lala” Taliňo Mendoza sa pagdalo niya sa  paglunsad ng Mindanao Week of Peace 2014 na isinagawa sa USM gymnasium, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon sa kanya hindi lang ito patungkol sa karahasan at hustisya, bagkus ang mahalaga aniya ay alam natin sa ating sarili kung anu ang responsibilidad natin bilang isang tao kahit anu pa ang estado mo sa buhay.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa harap ng mga mga estudyante, guro, mga BPAT kasama na ang mga kawani ng gobyerno at mga lokal na opisyal ng bayan.

Dagdag pa niya, bawat estudyante ay may kakayahang manghikayat ng kapwa estudyante para pagtuonan ang kanilang pag-aaral, maging magalang at maintindihan ang mga bagay-bagay.

Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Mabeth Navarro DXVL NEWS


0 comments:

Mag-post ng isang Komento