(Kabacan, North Cotabato/ November
25, 2014) ---Nagpapaalala ngayon ang pamunuuan ng Rural Health Unit ng Kabacan,
matapos na magposisitibo sa sakit na Hepatitis A ang isang guro at labingpitong
mga estudyan te sa Lumayong High School Brgy. Kayaga, kamakailan.
Ayon kay RHU Disease Surveillance
Coordinator Honey Joy Cabellon, labing walo sa tatlumpot isang kaso ang nag
positibo sa nasabing sakit.
Bahagyang ikinabahala ng mga
residente sa lugar ang paninilaw ng karamihan sa mga estudyante sa nasabing
paaralan kamakailan.
Dagdag pa ni Cabellon, na hindi pa
nila matukoy kung saan talaga nagsimula ang nasabing pagkalat ng sakit.
Ang Hepatitis A ay maaring mapasa sa
pamamagitan ng mga pagkain o pag inum ng tubig na na kuntaminado ng Hepatitis A
Virus na maaring nahawakan ng may sakit nito na hindi maiging naghugas ng
kanyang kamay pagkatapos magdumi.
Nagkaroon na umano ng Information
Drive ang RHU kasama ang IPHO sa mga magulang ng mga estudyante sa nasabing
paaralan hinggil sa mga sanhi ng sakit at kung paano ito naipapasa.
Payo naman ni Cabellon sa mga
mamamayan na I-observe ang proper handwashing, proper hygiene, o kung maari ay
sa paaralan na magdala at inumin ang sariling tubig, at magdala at kainin ang
sariling pagkain para makaiwas sa nasabing sakit. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento