(Matalam, North Cotabato/ December 8, 2014)
---Inilatag na ng Matalam PNP ang kanilang security plan upang mas mahigpitan
ang antas ng seguridad para sa pagdiriwang nila ng kanilang 53rd
Founding Anniversary na nagsimula noong December 5.
Ayon sa panayam ng DXVL sa Head of Opertion
ng Matalam PNP na si SPO1 Froilan Gravidez, ay nagpadala umano ang CPPO
Provincial Director Police Senior Superintendent Danilo Peralta
ng augmentation
troops, mga kasundaluhan na nagmula pa sa Charlie Company 7th IB
Philippine Army at mga BPAT sa mga Brgy. sa bayan ng Matalam bilang katuwang sa
pagsasa-ayos upang maiwasan ang anumang masamang balakid.
Naging patuloy rin umano ang pagbabanta ng
pamomomba sa nasabing bayan kaya naman nanawagan si SPO1 Gravidez sa mga
mamamayan upang maging vigilante at maiwasan ang mga kahalintulad na mga
aksidente.
(V.O)
yan ang tinig ni SPO1 Froilan Gravidez
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Desiree Baylon, DXVL News
DXVL (The Morning News)
December 8, 2014
Pananambang
sa isang Brgy. Chairman sa Kabacan, patuloy na iniimbestigahan
Patuloy na iniimbestigahan ng Kabacan PNP ang nangyaring
pananambang sa brgy. Chairman ng brgy Pisan, Kabacan, Cotabato kamakalawa.
Ayon sa kaugnay na imbestigasyon ng Kabacan PNP, nag-uusap
lamang umano ang mga biktima na sina Capt. Nestor G. Ranay, Irrigation
Association president Arnel Sumawang, Team Leader ng CVO na si Rolly Tugate,
Brgy. Sec. na si Alfredo A. Tabijo at isang Bambi Bugayong ng biglang
pinaputukan sila ng di pa matukoy na bilang ng mga suspek.
Nakuha sa crime scene ang 6 na basyo ng M16 rifle at
isang basyo ng caliber 45 pistol.
Konektado ka sa mga
balita, USM devcom intern, Charlene Joy
basal, DXVL news.
DXVL (The Morning News)
December 8, 2014
Sitwasyon
ng mga pagbabaha sa Kabacan, ipinaliwanag ng isang eksperto
Ipinaliwanag ng Extension Coordinator ng College of
Engineering & Computing na si Engr. William Jones Saliling ang sitwasyon ng
mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan.
Una na niyang sinabi na walang mangyayaring stormsurge o
tsunami sa bayan ng Kabacan dahil itoy isang landlock na ang ibig sabihin ay
walang nakapalibot o malapit na dagat sa bayan.
Dagdag pa niya, ang isang dahilan ng pagbabaha sa bayan
ng Kabacan ay ang tubig na nanggagaling sa Bukidnon.
(VO: Engr. William Jones Saliling)
Ayon pa sakanya, ang isang dahilan pa ay ang tubig na nanggagaling
sa Mt. Apo kung san dumadaloy ito sa Kabacan River.
(VO: Engr. William Jones Saliling)
Giit din niya, ang sanhi ng pagbabaha ng Kabacan
Poblacion ay hindi lamang sa mga basura kundi dahil sa pagsesementado ng mga
establisyemento at boarding houses.
(VO: Engr. William Jones Saliling)
Ito ang inihayag ni Engr. William Jones Saliling sa
programang Unlad Kabacan.
Konektado ka sa mga balita,
USM devcom intern, Mabeth Navarro,
DXVL news.
DXVL (The Morning News) December
8, 2014
Dalawa
arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP kaugnay sa illegal na
sugal
Arestado sa magkahiwalay
na operasyon ang dalawang babaeng usher ng illegal number game na last two sa
bayan ng Kbacan noong biyernes ng gabi.
Ito sa pangunguna ni P/Insp. Rommel Basco Hitalia nahuli
nila si Rodelyn Bayawan Lacia, 20 anyos at residente ng Lake Agco Kidapawan
City sa isang operasyon sa Malvar St. Poblacion Kabacan Cotabato. Nakuha sa
kanya ang ilang illegal gambling paraphernalia at cash na nagkakahalaga na 770.
Huli din sa parehong operasyon sa Quirino St. Poblacion
Kabacan Cotabato ang isang babae na kinilalang Jenelyn Gumatay Gesulga, 34
anyos at resident eng nasabing lugar. Nakuha din sakanya ang mga illegal
gambling paraphernalia at cash na nagkakahalaga ng 1271.25.
Sa ngayon, nakapiit na sa Kabacan PNP lock up cell ang
mga suspek para sa mga imbestigasyon.
Konektado ka sa mga
balita, USM devcom intern, Ruth Oyao,
DXVL news.
DXVL (The Morning News)
December 8, 2014
0 comments:
Mag-post ng isang Komento