Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, di magpapatupad ng tuition hike

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Iginiit ng pamunuan ng University of Southern Mindanao na hindi ito magtatas ng bayarin sa matrikula.

Ito ang inihayag sa DXVL News kahapon ni USM Spokesperson at University Public Relations and Information Office Director Dr. Rommel Tangonan.

P22M, inilabas ng PDRRMO matapos na inilagay sa state of Calamity ang North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Isinailalim na ang buong lalawigan ng North Cotabato sa state of calamity dahil sa nangyaring cholera outbreak sa bayan ng Alamada, pananalasa ng buhawi, pagtama ng iba’t-ibang sakit kagaya ng measles at rabies at ang epekto ng tag-init sa unang bahagi ng taon.

Ito matapos na maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato ang naging rekomendasyon ni Governor Emmylou Mendoza at ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management (PDRRM).

Cholera Outbreak sa Alamada; 10 na patay, rehabilitation ng mga pipe lines at water reservoir, isinasagawa na!

(Alamada, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Pumalo na sa sampu ang namatay dahil sa cholera outbreak sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Ito na napag-alaman kay Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

Kinilala ang pinakahuling nasawi na si Kalima Ricor Kalo, 47 na nasawi sa sitio Mimbalawag, Brgy. Dado sa bayan ng Alamada.

Mahabang oras na brownout sa service area ng Cotelco naibsan!

(Kabacan, North cotabato/ May 23, 2014) ---Bagama’t kaunti na lamang ang ipinapatupad na load curtailment sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco hindi pa rin ito stable ang kalagayan ng kuryente sa ngayon.

Ito ang sinabi sa DXVL News kahapon ni cotelco spokesperson Vincent Baguio.

Aniya, sa kasalukyan ay mababa lamang ang load deficiency na ibinaba ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kooperatiba dahilan kung bakit lumiit din ang oras na ipinapatupad na load curtailment ng Cotelco.

Bakla, kalaboso matapos na magmolestiya sa isang menor de edad

(Libungan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang bading matapos mangmolestya ng isang menor de edad sa Libungan, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Winnie Daligdig, 34 anyos, isang beautician na residente ng nasabing bayan.

Broadkaster; itinumba!

(Digos City, Davao del sur/ May 23, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang mamahayag makaraang barilin ng di pa nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa sa Digos City, Davao del Sur alas 7:00 ngayong umaga.

Kinilala ng Digos City PNP ang biktima na si Sammy Oliberyo, isang blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN).

Bangkay ng tatlong nasawing NPA, na-claim na; mga ginamit na sasakyan tukoy na rin

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014) ---Sumampa na ngayon sa lima katao ang naiulat na nasawi sa nangyaring paglusob ng mga rebeldeng grupo sa himpilan ng Pres. Roxas PNP nitong Martes ng madaling araw.

Ito ang sinabi kahapon ni 57th IB Commanding Officer Lt. Col. Nilo Vinluan matapos na marekober nila ang dalawa pang kasapi ng New People’s Army o NPA sa bahagi ng Sitio tambiringan, Brgy. Basak, Magpet, North Cotabato.

Hepe ng Pres. Roxas PNP at mga police on duty, binigyan ng Commendation

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014) ---Ginawaran ng pagkilala ng Office of the Malacañang ang Chief of Police ng President Roxas PNP kasama ang police personnel nito sa matapang na pagtatanggol sa kanilang himpilan laban sa mga umatakeng rebeldeng grupo nitong Martes ng madaling araw.

Ang certificate of commendation ay ibinigay ni Police Regional Director 12 PCSupt. Lester Camba sa tanggapan ni Provincial Director PSSupt. Danilo Peralta sa isinagawang press conference sa Cotabato Police Provincial Command kahapon.

2 Land mine, narekober sa Pres. Roxas

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014) ---Dalawang mga land mine ang naiulat na itinanim sa may pangunahing kalsada ng barangay Greenhills sa bayan ng Pres. Roxas alas 2:45 kahapon.

Ito ang napag-alaman kahapon kay mula kay Lt. Col. Nilo Vinluan ang commanding officer ng 57th IB habang kasagsagan ng isinasagawang press conference sa Cotabato Police Provincial Command.

Agad namang nagsagawa ng visibility patrol ang tropa ng militar at narekober ang nasabing road side bomb dalawang araw matapos ang ginawang pag-atake ng ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA na responsable sa pagtatanim ng nasabing bomba.

Milyun-milyong halaga ng Container Vans, sinunog ng NPA rebels

(Davao del sur/ May 21, 2014) ---Sinunog ng mga rebeldeng grupo ang 48 container vans ng isang malaking mining company sa Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.

Ayon kay Colonel Norman Flores, commander ng 1002nd Infantry Brigade na naglunsad na ang puwersa ng military ng massive operation laban sa New People's Army na responsable diumano sa pag-atake sa field offices ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa Kiblawan, Davao del Sur gayundin sa pagdis-arma sa mga security personnel ng South Davao Development Corporation Inc. (SODACO).

'Diversionary tactics' ginawang paglusob ng NPA sa Pres. Roxas PNP; 2 sa 3 namatay ay mataas na kumander patay ng NPA

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 21, 2014) ---Itinuturing ni PSSupt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office na bahagi ng diversionary attack ang ginawang paglusob ng mga New People's Army (NPA) sa President Roxas municipal police station kung saan tatlong mga miyembro nito ang napatay at isa ang sugatan.

Kinilala ng opisyal ang mga napatay na NPA na sina Ronald “Kumander Revo” Arnado, Alyas Totoy Gamay, at si Ibot Gumay na taga Sitio Buay-Buay Basak, bayan ng Magpet, North Cotabato.

Big time drug pusher, timbog sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Arestado ang isang itinuturing na "big time" drug pusher sa paghahain ng search warrant ng Midsayap PNP at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-12 sa Barangay Malinao pasado alas 8:00 ng umaga kahapon.

Narekober mula sa suspek na kinilalang si Tonto Usman ang 15 gramo ng shabu, drug paraphernalia, fragmentation grenade, mga bala ng kalibre 45 at M16 rifle.

30-anyos na lalaki, patay sa shooting incident sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 20, 2014) ---Patay ang isang 30-anyos na lalaki makaraang barilin sa bisinidad ng Gana Subdivision, Kidapawan City alas 7:40 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, City Police Director ang biktima na si Chris Cateel, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ilang mga residente ng Brgy. Osias, nabigyan ng tulong sa isinagawang baranggayan ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Upang pagtibayin pa ang ugnayan ng pamahalaang lokal ng Kabacan sa mga mamayan nito, ginanap kahapon ang Baranggayan sa brgy Osias, kabacan Cotabato.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at sa pagtutulongan din ng mga barangay officials sa nabanggit na lugar.

Mga Commercial establishment at iba pa, sasailalim sa inspection ng BFP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Maglilibot sa mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang Bureau of Fire Protection upang siyasatin ang kahandaan ng mga gusali sa bayan sa mga di inaasahang kalamidad na tatami.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ito ay upang maiwasan ang sunog sa mga establisyemento sa bayan.

Grade 1 pupil, sugatan makaraang barilin habang namumulot ng mangga sa Matalam, North Cotabato!

(Matalam, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP sa pagbaril sa isang Pitong taong gulang na grade 1 pupil habang namumulot ng bunga ng mangga sa sakahan sa Purok Azucena, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng hapon kamakalawa.

Ang biktima na si Carding hindi niya tunay na pangalan at anak ng isang empleyado ng Direk Wood Enterprises at residente ng Brgy. News Rizal, Mlang kasama ng kanyang apat na kaibigan ay namumulot ng mga bunga ng manga.

100 mga estudyante, sasailalim sa Culmination Program ng mga magtatapos sa Special Program for Employment of Students o SPES

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Gaganapin bukas, Mayo – 21, araw ng Miyerkules  ang Culmination Program ng Special Program for Employment of Students o SPES sa Lereve Resort, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato.

Ang Special Program for Employment of Students o SPES ay taonang aktibidad na inihahandog ng Department of Labor and Employment o DOLE, Lokal na Pamahalaan at pribadong mga sektor sa layuning magbibigay ng pagkakataon sa mga interesadong mga mag-aaral na makapagtrabaho ng naayun sa direktiba ng DOLE at tatanggap ng karampatang honorarium.

Magsasaka, binaril ng barangay Kagawad

(North Cotabato/ May 19, 2014) ---Patay ang isang 33 anyos na magsasaka makaraang barilin, sa harap ng ini- inumang tindahan,dakong Alas singko bente ng hapon kamakalawa. sa Sitio Nueva Fuerza, Brgy Cabaruyan, Libungan, Cotabato.

Kinilala ni Police Chief Inspector Bernard Tayong ang biktima na si Michael Mension, may asawa at may-roong tatlong anak at residente  sa nabanggit na lugar.

Pres. Roxas PNP, inatake: 3 NPA patay, hepe ng PNP sugatan

(North Cotabato/ May 20, 2014) ---Bulagta ang tatlong mga rebeldeng New People’s Army o NPA habang sugatan naman ang hepe ng President Roxas municipal police station matapos na inatake ng mahigit 80 miyembro ng New People's Army (NPA) ang nasabing police station alas-3:30 kaninang madaling araw.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Police Senior Supt. Danilo Peralta, Provincial Director ng North Cotabato isa sa mga rebeldeng sugatan ang isinugod nila sa isang ospital sa lalawigan kungsaan mahigpit itong binabantayan ngayon ng mga pulisya.

Brigada Eskwela sa Cotabato Division, all set na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Ilalarga na ng Department of Education o DepEd Cotabato Division ang nakalatag na Brigada Eskwela na magsisimula ngayong araw hanggang sa Biyernes Mayo a-24.

Ito ang sinabi ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Sa Hunyo a-2 pa umano magbubukas ang klase sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskwelahan para sa school year 2014-2015.

24-anyos na magnanakaw; kalaboso!

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Kalaboso ang isang 24-anyos na magnanakaw makaraang mahuli sa aktong ipinupuslit nito ang mga RTW’s mula sa ikatlong palapag ng Shoppers mart na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:40 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Renie Matura, binata, walang trabaho at residente ng Kidapawan City.

Talamak na illegal logging sa isang barangay sa Kabacan, pinatutukan ng LGU

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Pansamantalang napahinto ngayon ang pangangalaga ng Water Shed Area na sinasakupan ng Kabacan Water District o KWD sa brgy. Pisan dahil sa walang habas na pamumutol ng kahoy doon.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay.

Ayon sa opisyal abot sa 150 ektarya ng kagubatan doon ang tinukoy na water shed area ng KWD.
Pero sa ngayon nanganganib na ito dahil sa talamak na illegal logging sa lugar.

Kabacan Water District, nakahanda sa nalalapit na El Niño

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Kabacan Water District na hindi maaapektuhan ang kanilang serbisyo sa tubig kahit paman papalapit ang tag-tuyot, na ayon sa pag-asa ay magsisimula ngayong buwan ng Hunyo.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan kada buwan ay may ginagawa silang monitoring at hindi naman naapektuhan ang pagbaba ng water level nila.

Katunayan may apat na pu’t limang porsiento pang reserba ang Kabacan Water District.

Cotelco Kabacan District may bago ng BOD

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Nailuklok bilang bagong Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco Board of Director ng Kabacan District si Merca Laogan Bao-ay sa katatapos na eleksiyon na ginanap sa District Office ng Kabacan Pilot Central Elementary School nitong Sabado.

Ayon kay Cotelco Outgoing Board Director Samuel Dapun na uupo bilang bagong BOD si Ginang Bao-ay, 63-anyos at tubong Bannawag sa buwan ng Hunyo matapos ang isasagawang Annual General Membership Assembly sa July 13.