Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Broadkaster; itinumba!

(Digos City, Davao del sur/ May 23, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang mamahayag makaraang barilin ng di pa nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa sa Digos City, Davao del Sur alas 7:00 ngayong umaga.

Kinilala ng Digos City PNP ang biktima na si Sammy Oliberyo, isang blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN).

Batay sa inisyal na ulat, galing ng palengke ang biktima kasama ang kanyang asawa pauwi na sa kanilang bahay ng tabihan ng nakamotorsiklo na riding tandem assassins.

Una rito, nagmamadali pa umano ang biktima dahil hinahabol nito ang kanyang alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga na programa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang nasa likod at motibo sa pangyayari.
Napag-alaman na si Oliberyo ay blocktime commentator ng city government ng Davao del Sur.

Napag-alaman mula kay Marlon Malnegro, malapit na kaibigan ni Oliberyo, at isa ring radio commentator, hindi naman umano hard hitting na komentarista ang biktima kaya naman sa inisyal nilang paniniwala maaaring personal ang motibo sa nasabing krimen kung saan patuloy ng tinutugis ngayon ang mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento