Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotelco Kabacan District may bago ng BOD

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Nailuklok bilang bagong Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco Board of Director ng Kabacan District si Merca Laogan Bao-ay sa katatapos na eleksiyon na ginanap sa District Office ng Kabacan Pilot Central Elementary School nitong Sabado.

Ayon kay Cotelco Outgoing Board Director Samuel Dapun na uupo bilang bagong BOD si Ginang Bao-ay, 63-anyos at tubong Bannawag sa buwan ng Hunyo matapos ang isasagawang Annual General Membership Assembly sa July 13.

Tinalo ni Bao-ay ang katunggali nito sa botong 893 kontra 547 na boto ni Arnel Jose Katorse.
Sinabi ni Board Dapun na naging maayos at mapayapa naman sa pangkalahatan ang ginawang botohan.

Samantala, pinasinayaan naman nitong Biyernes ang bagong 10MVA ng Cotelco Kabacan Substation.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na malaking tulong ito upang lalo pang pag-ibayuhin ng cotelco ang serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Iginiit ng Alkalde na maiiwasan din ang kriminalidad sa bayan kung ang lahat ng sulok ay may ilaw at gumagana ang mga street lights.


Bukod kay Mayor Guzman dumalo din sa inauguration si Congressman Ping-ping Tejada at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento