(Alamada, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Pumalo
na sa sampu ang namatay dahil sa cholera outbreak sa bayan ng Alamada, North
Cotabato.
Ito na napag-alaman kay Alamada Municipal
Administrator Ruben Cadava sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.
Kinilala ang pinakahuling nasawi na si Kalima
Ricor Kalo, 47 na nasawi sa sitio Mimbalawag, Brgy. Dado sa bayan ng Alamada.
Sinabi ng opisyal na hindi na umano naisugod pa ang biktima sa bahay pagamutan dahil sa may kalayuan ang lugar makaraang dumaranas din ng pananakit ng tiyan at pagtatae ang biktima.
Bukod dito bagama’t hindi kumpirmado, may
nakuha din silang report na isa pang biktima ng cholera outbreak na nasa
Regional Hospital sa Cotabato City na binawian ng buhay habang ginagamot.
"Nagsasagawa na ngayon ng
rehabilitation sa mga pipe line at mga water reservoir na pinagkukunan ng mga
residente na naapektuhan ng outbreak at massive information campaign sa mga residente dito katuwang ang LGU Alamada at Provincial government at iba pang sektor", wika pa ni Cadava.
Bukod dito sinabi ni Cadava na nagkakaroon
na rin ng massive chlorinization sa mga naapektuhang lugar at patuloy ang
education at awareness campaign. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento