(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Isinailalim
na ang buong lalawigan ng North Cotabato sa state of calamity dahil sa
nangyaring cholera outbreak sa bayan ng Alamada, pananalasa ng buhawi, pagtama
ng iba’t-ibang sakit kagaya ng measles at rabies at ang epekto ng tag-init sa
unang bahagi ng taon.
Ito matapos na maaprubahan sa Sangguniang
Panlalawigan ng North Cotabato ang naging rekomendasyon ni Governor Emmylou
Mendoza at ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management (PDRRM).
Sa panayam ng DXVL News kay kay PDRRM senior
officer Cynthia Ortega na nagpalabas ng P22 million na emergency response fund
ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa
lalawigan ng North Cotabato.
Aniya, layun ng naturang deklarasyon na
magamit ng probinsya ang emergency response fund upang matulungan ang mga
naging biktima ng cholera outbreak at iba pang sektor na apektado rin ng
measles, buhawi, at tag-init sa lalawigan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento