Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Land mine, narekober sa Pres. Roxas

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014) ---Dalawang mga land mine ang naiulat na itinanim sa may pangunahing kalsada ng barangay Greenhills sa bayan ng Pres. Roxas alas 2:45 kahapon.


Ito ang napag-alaman kahapon kay mula kay Lt. Col. Nilo Vinluan ang commanding officer ng 57th IB habang kasagsagan ng isinasagawang press conference sa Cotabato Police Provincial Command.

Agad namang nagsagawa ng visibility patrol ang tropa ng militar at narekober ang nasabing road side bomb dalawang araw matapos ang ginawang pag-atake ng ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA na responsable sa pagtatanim ng nasabing bomba.


Ayon kay 57th IB Charlie Company Captain Manuel Gatuz target ng naturang pampasabog ay ang mga reinforcement sana ng mga sundalo sa nangyaring pag-atake sa Pres. Roxas Municipal Police Station.

Matagumpay namang na-i-disrupt ang naturang pampasabog gamit ang water disruptor sa tulong ng EOD team ng militar, ayon kay Gatuz.

Samantala patuloy ang intelligence gathering ngayon ng pulisya at militar hinggil sa nasabing insedente.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operation at hot pursuit ng militar at di rin nila isinasantabi ang posibleng pag-ganti ng mga rebeldeng grupo matapos na mapatay ang mataas na opisyal ng Guerilla Front 53 ng NPA. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento