Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

100 mga estudyante, sasailalim sa Culmination Program ng mga magtatapos sa Special Program for Employment of Students o SPES

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Gaganapin bukas, Mayo – 21, araw ng Miyerkules  ang Culmination Program ng Special Program for Employment of Students o SPES sa Lereve Resort, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato.

Ang Special Program for Employment of Students o SPES ay taonang aktibidad na inihahandog ng Department of Labor and Employment o DOLE, Lokal na Pamahalaan at pribadong mga sektor sa layuning magbibigay ng pagkakataon sa mga interesadong mga mag-aaral na makapagtrabaho ng naayun sa direktiba ng DOLE at tatanggap ng karampatang honorarium.

Ayon kay Designate PESO Manager Engr. Jeorge S. Graza, nasa isang daang estudyante ang mga mapalad na nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho sa programang handog ng lokal na pamahalaan ng Kabacan.

Samantala, ang Culmination Program ay dadaluhan ni  Kabacan Municipal  Mayor Herlo Guzman, Jr. isang inisyatibong pagbibigay oras sa mga naturang studyante ng mapalakas pa ang ugnayan ng komunidad at lokal na pamahalaan.

Konektado ka sa mga balita, mula sa PESO Kabacan, USM Devcom Intern Cynthia Tuason lUmogda, DXVL News.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento