(Davao del sur/ May 21, 2014) ---Sinunog ng
mga rebeldeng grupo ang 48 container vans ng isang malaking mining company sa
Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.
Ayon kay Colonel Norman Flores, commander ng
1002nd Infantry Brigade na naglunsad na ang puwersa ng military ng massive
operation laban sa New People's Army na responsable diumano sa pag-atake sa
field offices ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa Kiblawan, Davao del
Sur gayundin sa pagdis-arma sa mga security personnel ng South Davao
Development Corporation Inc. (SODACO).
Nabatid na abot sa 50 armadong miyembrop ng
NPA na pinamumunuan ni Joan Casamurin o “Ka Alvin” ng CPP-NPA Front 72 ang
umatake sa field offices ng SMI sa Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur,
at sinunog ang container van at iba pang pasilidad.
Maliban dito, umatake din ang isa pang grupo
ng NPA sa pribadong mining company na nagsasagawa ng eksplorasyon sa Columbio,
Sultan Kudarat at dinala ang napakaraming armas.
Naniniwala naman si Flores na bahagi ito ng
paghihigante ng NPA kasunod sa pag-aresto kay Felix Armodia alias “Ka Jing”
noong nakaraang linggo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento