(Makilala, North Cotabato/ January 29, 2014)
---Muling nagkasagupa ang tropa ng militar at New People’s Army o NPA sa Sitio Kapatagan, Barangay Luayon, Makilala, North
Cotabato alas 10:30 kaninang umaga.
Sinabi ng tagapagsalita ng 57th
Infantry Battalion Lt. Manuel Gatus nagtagal ng halos tatlumpung minuto ang
palitan ng putok sa magkabilang panig.
Wala namang may naiulat na nasawi o
nasugatan sa panig ng 39th IB habang inaalam pa sa panig ng NPA.
Ayon sa opisyal ang nasabing mga sundalo na
sa ilalim ng 39th IB ay ipinadala sa Barangay Luna Sur sa nasabing
bayan matapos na mamataan ang presensiya ng mga rebeldeng grupo sa lugar.
Habang nagsasagawa umano ng patrol
operations ang mga sundalo ay nakasagupa ng mga ito ang di pa mabatid na bilang
ng mga NPA sa Sitio Kapatagan, Barangay Luayon ilang kilometro lamang ang layo
mula sa Barangay Luna Sur, kungsaan doon din itinanim ang landmine na ikinasugat
ng pitong sundalo ng 57th IB noong madaling araw ng Sabado.
Sa kabila ng bakbakan sa lugar, walang
nagsilikas na mga pamilya, ayon sa Makilala Municipal Disaster Risk Reduction Management office. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento