Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DXVL Radyo ng Bayan ang puso at boses ng Cabateños, patuloy na maglilingkod

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Mula sa dating DXKA 93.3 ngayon ay isa ng affiliate station ng Philippine Broadcasting Service ng Radyo ng Bayan, ito ang DXVL 94.9 Kool FM Radyo ng Bayan at naging bahagi na ng boses at puso ng South Central Mindanao ay patuloy na maglilingkod sa bahaging ito ng Mindanao batay sa mission at vision ng Pamantasan.

Ito ang naging pahayag ni Dr. Anita Tacardon dating station manager ng DXVL Radyo ng Bayan sa payak na seremonya ng turn-over ceremony kahapon ng hapon sa himpilan.


Ang programa ay sinaksihan ni College of Arts and Sciences Dean Dr. Evangeline Tangonan, Faculty ng Department of Development Communication at ng personnel ng station.

Ikinagalak naman ng bagong station manager Allan Guleng Dalo ang pagtanggap ng key of responsibility bilang bagong tagapamahala ng istasyon.

Sa kanyang mensaheng inere, umaasa si Dr. Tacardon na ang DXVL FM ay susuportahan ng sinumang bagong uupong Presidente ng Pamantasan.

Lubos namang pinasalamatan ng bagong Station Manager Allan Dalo si Dr. Anita Tacardon na siya’ng nanguna kasama ang Devcom Department at ang pamunuan ng CAS para maipatayo ang station.

Sa hangaring paglingkuran ng buong katapatan ang sambayanan ipagpatuloy ng himpilang ito ang kanyang nasimulang tungkulin sa bayan na maging boses at puso ng bawat Cotabateños. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento