(Kabacan, North Kabacan/ January 30, 2014)
---Arestado ng mga otoridad ang suspek hinggil sa paglabag sa illegal
possession of bladed weapon sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas
6:00 kagabi.
Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan ang suspek na si Tinte Mokalam Masukat, nasa tamang edad at residente
ng Purok Krislam ng bayang ito.
Natiklo ang suspek sa isinagawang joint
operation ng Kabacan PNP at mga element ng RPSB 12 sa bias ng warrant of arrest
na inilabas ng Kabacan Municipal Trial Circuit Court na may Criminal case
number 6139.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang
suspek.
Sinabi ni Supt. Maribojo na nagpapatuloy ang
oplan manhunt nila sa mga wanted na personahe sa Kabacan
na mga responsable sa mga nangyayaring krimen sa bayan.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga ito ang
banta sa seguridad sa bayan at minsan pa’y salot sa umuusbong na ekonomiya ng
bayan. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento