(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng 30-anyos na
magnanakaw makaraang mahuling tumangay ng mga alahas sa Sugni Superstore,
Kabacan, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si
Mark Gay Avens nasa tamang edad residente ng Brgy Kilada, Matalam, Cotabato.
Ayon sa report, nahuli ang suspek sa
pagnanakaw ng 3 piraso ng gold ring at 2 pirasong silver ring.
Sinapak pa umano ng suspek ang sales lady ng
nasabing establisiemento ng hanapan ito ng mga nawawalang alahas.
Dahilan para maagaw ang atensiyon ng
security guard at doon na narekober ang mga ninakaw nitong alahas.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang
suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom intern Febelyn Aguirre
Arconado, DXVL news
0 comments:
Mag-post ng isang Komento