(Datu Paglas, Maguindanao/ January 28, 2014)
---Arestado ang tatlong mga pinaniniwalaang high risk criminals sa isinagawang
raid ng mga otoridad sa Datu Paglas, Maguindanao alas 7:00 kaninang umaga.
Kinilala ni North Cotabato Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)
Chief Inspector Elmer Guevarra ang mga suspek na sina Thong Usop, Kamarudin Bualan at Kudzak Pusdan
lahat residente ng Barangay Damalusay sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao.
Nahuli ang mga suspek sa pinagsanib na pwersa ng Central
Mindanao-CIDU; 44th at 45th Special Action
Company; Special Action Forces of the Philippine National Police at Maguindanao
Provincial Police Office.
Ayon kay Guevarra ang raid ay isinagawa sa bahay ng isang Ebrahim
Ayada na mas kilala sa tawag na ‘Brando’, ito batay sa warrant of arrest na
inisyu noong January 20, 2014 sa sala ni Executive Judge Bansawan Ebrahim ng
Regional Trial Court Branch 13 of the 12th Judicial Region sa
Cotabato City.
Nakatakas naman sa kamay ng mga otoridad si Ayada na siya’ng
target ng raid.
Nagkaputukan pa umano ang mga arresting officer at ang mga suspek
na tatakas pero nasakote rin ng mga otoridad.
Isa sa mga suspek ang sugatan sa nasabing engkwentro.
Narekober sa crime scene ang caliber 60 machine gun, ilang mga
bala nito, dalawang granada at ilang mga suspected methamphetamine
hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu.
Sa ngayon ay inihahanda na ng mga otoridad ang kasong kakaharapin
ng mga suspek. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento