(Maguindanao/ January 28, 2014) ---Tiniyak
ngayon ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na hindi na
lalawak ang kaguluhan sa ibang lugar, matapos na sumiklab ang bakbakan sa
pagitan ng sundalo at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa boundary
ng North Cotabato at Maguindanao, kamakawala.
Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng 6th
Infantry Division Col. Dickson Hermoso sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Ayon sa opisyal naglunsad ng opensiba ang
militar sa bandidong BIFF matapos na ipataw ang warrant of arrest sa mga ito
dahil sa mga ginawa nilang karahasan sa ilang lugar sa North Cotabato at
Maguindanao nitong mga nakalipas na buwan dahilan ng nangyaring sagupaan
kamakalawa at kahapon ng umaga, ayon kay Hermoso.
Kaugnay nito, wala namang may naiulat na
nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan habang patuloy pang inaalam sa panig
naman ng kalaban.
Daan-daang mga residente na rin ang
nagsilikas matapos na maipit sa nasabing kaluguhan sa boundary ng Paidu Pulangi
sa bayan ng Pikit at Shariff Saidona Mustapha sa lalawigan ng Maguindanao.
Tinukoy naman ng tagapagsalita ng militar na
kagagawan ng BIFF ang roadside bomb na sumabog sa Barangay Nabalawag sa bayan
ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng madaling araw habang papadaan ang tropa
ng militar sa lugar.
Bagama’t di naman nasabugan ang mga sundalo,
nagdulot naman ito ng tensiyon at pangamba sa lugar. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento