(Kabacan,
North Cotabato/ January 30, 2014) ---Binalangkas ang limang mga pangunahing
programa ng Pamahalaang lokal ng Kabacan sa isinagawang Municipal Development
Council meeting kahapon.
Ayon
kay information officer Sarah Jane Guerrero ang temang “Unlad Kabacan” bilang
development direction ng bayan ay naisalang sa mainit na diskusyon ng mga
Barangay Captains at iba pang miyembro ng nasabing konseho.
Iprenisenta
din ng technical team na ang Unlad Kabacan! ay nagpapahiwatig ng isang
masagana, empowered at sustainable community.
Sa kanilang presentasyon, makikita na ang
Unlad Kabacan ay mayroong limang aspeto na kung saan dito nakasentro ang
ibat-ibang priority programs ni Mayor Guzman, ito ang; (1) Improved Health and
Education Services; (2) Empowered Civil Society and Good Governance; (3)
Infrastructure Development; (4) Sustainable Agriculture, Ecotourism, Resource
Management and Livelihood; at ang (5) Stable Peace, order and security.
Isa sa mga konkretong programa ng LGU
Kabacan ngayon ay ang pagbibigay prayoridad sa mga upstream barangays gaya ng
barangay Buluan, Simbuhay, Simone, Nangaan at Tamped.
Ang
“BuSiNa Ta” ay isang komprehensibong development program na dinisenyo para sa
limang nasabing barangays upang mas lalong mabigyang kasagutan ang kanilang
pangangailangan gaya ng edukasyon, patubig, livelihood, infrastructure projects
at maraming iba pa. Rhoderick BeƱez with
report from Sarah Jane Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento