Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Illegal na droga at sugal; talamak pa rin sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Nananatiling pinaka-ugat pa rin ng mga nangyayaring kriminalidad sa bayan ng Kabacan ang talamak na pagtutulak at paggamit ng droga bukod pa sa sugal.

Ginawa ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang pahayag sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting kahapon.


Aniya, nakikipag ugnayan na ngayon ang kanyang tanggapan sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno upang matulungang masugpo ang talamak na droga at illegal gambling sa Kabacan.

May paalala din si Maribojo sa publiko, na isa sa pwedeng magawa ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na makausap at mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kaibigan, kapamilya, kapitbahay hinggil sa pag gamit ng illegal na droga at ang pagkakasangkot sa illegal gambling.

Giit pa ng opisyal na kailangan ng isang massive education campaign upang mabigyan ng tamang guidance ang komunidad hinggil sa mga isyung ito.


Nabatid na isang Nasser Gonsang, 37 taong gulang at residente ng Mapanao extension ang pinakahuling natiklo ng mga otoridad sa isinagawang buybust operation makaraang maaresto ito sa pagtutulak ng shabu sa Purok Krislam, ang tinaguriang drug den sa kabacan. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento