Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan, naglagay na ng “Ang Sumbungan ng Bayan”

(Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Para sa mas maayos na serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan, naglagay na ngayon ng Ang sumbungan ng Bayan o Contact Center ng Bayan ang munisipyo.

Ayon kay Human Resource Management Head Grace Ullo isa ito sa mga pagtalima nila sa ipinapatupad na Anti Red Tapr Act o ARTA batay sa RA 9485.


Aniya, maari ng magdulog ng mga reklamo ang bawat kliyente ng LGU Kabacan hinggil sa kanilang mga napunang serbisyo ng kawani ng munisipyo.

Sinabi ni Ullo na may nakalaang sandal lamang sa bawat transaksiyon na gagawin ng bawat kliyente.
Kung hindi ito agad matugunan, maari nilang isumbong sa HR sa numerong 248-2480 o di kaya sa Mayor’s Office sa 248-2352.


Kaugnay nito, aprubado naman ng Civil Service ang Strategic Performance Management System o SPMS ng LGU Kabacan batay sa CSC Resolusyon No. 120048. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento