Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Electrical Fault, posibleng dahilan ng sunog sa isang residential House sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Abot sa mahigit sa kalahating milyon ang halaga ng natupok na ari-arian sa isang residential house na nasa Liliongan, Carmen, North Cotabato kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection ang nasabing bahay ay pag-mamay-ari ni Adolfo Palo Ansibod.

Nagsimula umano ang sunog dakong alas 12:45 ng tangahli at tuluyan itong naapula dakong alas 3:45 ng hapon.

Malayo umano ang lugar kaya di agad naagapan ang nasabing sunog.

Posibleng electrical fault ng refrigerator ang posibleng pinagmula ng sunog, ayon sa BFP.

Samantala, marami pa rin sa mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang walang fire exit at mga paglabag sa Fire Code.

Ito ang napag-alaman mula kay FO2 Brahim Guiamalon sa katatapos na Business One Stop Shop ng LGU Kabacan.

Aniya, abot sa P143,742 ang nakolekta ng kanilang ahensiya sa Fire Code fees sa isinagawang Business One Stop Shop na nagtapos na kahapon.

Napag-alaman na abot sa tatlong sunog ang naitala ng BFP simula January 1 hanggang sa kasalukuyan. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento