Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DepEd North Cotabato handa na para sa Early Registration ngayong January 25

(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2014) ---Handa na ang pamunuan ng DepEd North Cotabato para sa gagawing early registration program sa January 25, 2014.

Ito ang tiniyak kahapon ni School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya, nagsagawa na ito ng management meeting sa mga district supervisor at mga secondary school heads hinggil sa early program ng Kagawaran.


Kaugnay nito, kabilang sa dapat na magpatala sa nasabing programa ay lahat ng levels mula kindergarten, elementarya at sekundarya.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa Provincial Engineering Office para alamin ang sitwasyon ng mga gusali ng paaralan na nasira sa nagdaang lindol sa Carmen, North Cotabato.


Sa ngayon ang Kibudtungan at Malapag ay pinapasukan na ng mga mag-aaral, pero ang ilang mga gusali naman sa Kimadzil ay dapat na umanong i-abolished at palitan ng bago, ayon kay Supt. Omar. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento