Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 mga barangay ng Kabacan, nabiyayaan ng Solar Drier mula sa LGU

(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Natapos na ang solar drier na ipinatayo ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pitong mga barangay sa Bayan ng Kabacan.

Sinabi ni Agricultural Technologist Ireneo Nidoy na magagamit na ng mga magsasaka ang nasabing pasilidad pang-agrikultura.

Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng nasabing proyekto ay ang Barangay Cuyapon, Kiligasan, Upper Paatan, Lower Paatan, Pedtad, Aringay at Malamote.

Ang proyekto ay ipinagawa sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office sa pamumuno ni MPDC Officer Buenaventura Pacania.

Layon nito na mapa unlad ang agrikultura sa nasabing bayan habang suportado naman ni Mayor Herlo Guzman ang mga proyektong pagsasaka.

Samantala patuloy ang konstruksiyon ng travelling rice mill sa Barangay Magatos bukod pa sa nabigyan din ng isang hand tractor ang barangay Salapungan. USM Devcom Intern Princess Ann Tupas


0 comments:

Mag-post ng isang Komento