Written By: Jimmy Santacruz
(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2014) ---Abot sa 87 hospital beds with head/footboards at 75 hospital mattresses ang dumating sa Cotabato provincial capitol kahapon ng umaga.
Ang naturang mga hospital equipment ay donasyon mula sa World Medical Relief Mission, Inc. o WMRI na nagkakahalaga ng P24,660,000.00 ay agad ding ipinamahagi 8 mga pampublikong pagamutan sa lalawigan.
Ang WMRI ay isang prestihiyosong organisasyon na tumutulong sa mga local governments at mga grupo sa pamamagitan ng mga donasyon tulad ng ipinadala nito sa Cotabato provincial government.
Si WMRI Corrdinator for the Philippines Dr. David Lee Zarate ang nanguna sa turn-over na dinaluhan mismo ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza at ng mga pinuno ng mga Ospital sa Cotabato province, ito ayon sa report ni Provincial Media Officer Jimmy Santacruz.
Ayon kay Dr. Zarate, nakita ng WMRI ang mahusay na mga programang pangkalusugan at medikal ng Cotabato provincial government sa pangunguna ni Gov. TaliƱo-Mendoza kaya patuloy itong sumusuporta at nagbibigay ng tulong.
Ang 8 mga pampublikong ospital na tumanggap ng nabanggit na mga kagamitan ay kinabibilangan ng Fr. Tulio Favali Municipal Hospital, Arakan Valley District Hospital, President Roxas Provincial Community Hospital, M’lang District Hospital, Cotabato Provincial Hospital, Aleosan District Hospital, Dr. Amado Diaz Provincial Foundation Hospital at Alamada Provincial Community Hospital.
Pinasalamatan naman ni Gov. TaliƱo-Mendoza si Dr. Zarate at ang pamunuan ng WMRI sa patuloy nitong pagtitiwala sa kanya at sa mga proyektong ipinatutupad para sa kalusugan at kaligtasan ng mga CotabateƱos.
DXVL Staff
...
Mahigit P24M halaga ng medical equipment mula sa WMRI ipinamahagi sa 8 government hospitals ng Cotabato
Linggo, Enero 26, 2014
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento