(Kabacan,
North Cotabato/ January 30, 2014) ---Kung maipasa na bilang batas, gagamitin na
bilang opisyal na pagbati ng mga taga-Kabacan ang katagang “Unlad Kabacan”.
Ayon
kay Information Officer Sarah Jane Guerrero ang nasabing tema ay binuo matapos
ang isinagawang Municipal Development Council meeting kahapon.
Kaugnay
nito, sinabi ng tagapagsalita ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na isusulong ni
Councilor Jonathan Tabara ang paghahain ng nasabing panukala kasama na ang
logo, slogan at ang ilan pang banner program ng pamahalaang lokal.
Aniya,
ito na ang gagamiting pagbati ng mga Kabakeńos sa lahat ng tao maging sa lahat
ng okasyon kung ang Priority Program ni Mayor Herlo Guzman, Jr ay maaprubahan
ng Sangguniang Bayan.
Ayon
pa sa opisyal, ang Unlad Kabacan ay nagpapahiwatig ng development direksyon ng
Kabacan.
Hinimay-himay
din ang nasabing tema at dumaan sa mainit na diskusyon ng mga punong barangay
kasama na ang mga kasapi ng konseho sa isinagawang MDC kahapon.
Nabuo
ang konsepto, para may sariling identity ang Kabacan, kagaya ng Sa General
Santos City na “Magandang Gensan” Koronadal city na “Kanami Koronadal” at Davao
del Sur na “Garbo namu na kami taga-Davao del Sur”. Rhoderick Beñez with report from Sarah Jane Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento