Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Training ground ng BIFF sa Maguindanao, nakubkob ng military; 37 BIFF napaslang

Umaabot na sa 37 mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napaslang sa ikalimang araw na umaatikabong bakbakan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga rebelde sa Maguindanao at North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, isang sundalo rin ang napatay habang pito pa ang nasugatan matapos na masabugan ng improvised explosive device at mortar ng BIFF.


Bukod sa 37 BIFF na napatay ay may natanggap na intelligence report ang militar na may  3 pang karagdagan sa  death toll ng mga kalaban na kasalukuyang bineberipika.

Base sa ulat, bandang alas-9 ng gabi kamakalawa ay muling sumiklab ang sagupaan ng magkalabang puwersa  hanggang alauna ng madaling araw  kahapon sa Brgy. Dambalas, bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Noong Linggo (Enero 26) ay inilunsad ang ope­ration laban sa BIFF sa pangunguna ng ground troops ng Philippine Army na bina-backup ng mga combat helicopter ng Philippine Air Force.

Ang BIFF ay breakaway group ng MILF na nakikipagnegosasyon para sa gobyerno sa ikatatamo ng kapayapaan sa Mindanao Region.

Nabatid pa na naghati-hati na sa maliliit na grupo ang BIFF na tinutugis na ng tropa ng militar sa Brgy. Ganta, Shariff Saydona; Mustapha; at maging sa Pikit, North Cotabato na kabilang sa naging sentro ng bakbakan umpisa pa noong Enero 26.


Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal ay nakubkob ng tropa ng militar ang training camp ng BIFF na mga barracks at lecture room. Rhoderick Beñez PSN report

0 comments:

Mag-post ng isang Komento