Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pasiklaban Fever, ramdam na sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/September 28, 2012) ---Ramdam na ramdam na ng mga nasa mahigit 16 na libong estudyante ng USM ang taunan at prestihiyosong Pasiklaban Festival kasabay pa rin ng pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng USM ngayong taon.

Iba’t-ibang mga aktibidad ang inihanda ng pamunuan ng University Student Government kabilang na ang Masaya at mahabang torch parade na sasalihan naman ng iba’t-ibang clubs, organizations, society at mga non-academic organizations mamayang gabi.

Earthquake and Fire Drill, isinagawa sa Kidapawan City


(Kidapawan City/September 28, 2012) ---PINANGUNAHAN ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council ang isinagawang earthquake and fire drill sa City Hall, pasado alas dos ng hapon, kahapon.
     
Kalahok dito ang mga kawani ng Kidapawan City LGU.
     
Itinuro sa kanila ang mga dapat gawin kung may lindol, sunog at anumang kalamidad.

Seguridad sa pagdiriwang ng anibersaryo sa bayan ng Pikit, N Cot, hinihigpitan na


(Pikit, North Cotabato/September, 27, 2012) ---NAKA-ALERTO ang puwersa ng Pikit PNP,  kasama ang 7th Infantry Battalion at Regional Public Safety Battalion, para tiyaking magiging ligtas ang selebrasyon ng ika-animnapu’t tatlong anibersaryo ng bayan ng Pikit, bukas.
      
Sinabi ni Inspector Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, na tinututukan nila ang pagpapahigpit sa seguridad ng bayan, lalo pa’t nakatatanggap sila ng mga pagbabanta mula sa iba’t ibang mga lawless armed groups.

Kasuotang Mindanawon, isasaintablado na mga mag-aaral sa Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/September 27, 2012) ---Isasaentablado ng mga mag-aaral ng Southern Christian College ang ganda ng kasuotang Mindanawon sa presentasyon na pinamagatang 2012 Lantaw Mindanaw: Crossroads of Cultures.

Itatampok ang mga kasuotan sa tatlong panahon.

Unang bahagi ng palabas ay ang indigenous peoples traditional attires. Susundan naman ito ng mga kasuotang Muslim Huling bahagi naman ang mga kasuotang may impluwensyang Kastila at modernong panahon.

NGO nanguna sa Agri-Fair Day sa isang malayong barangay sa President Roxas, North Cotabato


(President Roxas, North Cotabato/September 27, 2012)  ---ABOT sa animnapu’t pito’ng mga magsasaka sa Barangay Lama-Lama – isang malayong lugar sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, ang dumalo sa isinagawang Agri-Fair Day, kahapon.
      
Ang aktibidad ay isang proyekto ng ACF o Action Against Hunger -- isang international non-government organization na ang pangunahing trabaho ay nakatutok sa pagbabawas ng mga insidente ng malnutrisyon at kahirapan sa buong mundo.

Pag-kobra ng ilang mga opisyal ng barangay at munisipyo ng Datu Montawal, Maguindanao sa cash grant ng ilang mga benepisyaryo, paiimbestigahan

(Datu Montawal, Maguindanao/ September 27, 2012) ---Pinaiimbestigahan ni Datu Uttoh Montawal, mayor ng Datu Montawal sa Maguindanao, ang reklamo patungkol sa umano paghingi ng ‘share’ ng ilang mga opisyal ng barangay at ng munisipyo sa nakukuhang cash grant ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
        
Kinuwestyon nya rin ang umano ‘bad timing’ ng paglabas ng isyu.
        
Ilang araw na lang kasi at magsusumite na raw sila ng certificate of candidacy o CoC sa COMELEC—hudyat ng pagsisimula ng election period.

Ilang preso sa North Cotabato Provincial Jail, sumailalim sa pangkabuhayan training


(Kidapawan City/September 25, 2012) ---Abot sa 45 mga preso ng North Cotabato Provincial Jail ang sumailalim sa isang linggong pagsasanay sa paggawa ng mga produktong mula sa water hyacinth.
     
 Ang training ay pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, sa pakikipag-tulungan ng pamahalaang panlalawigan ng N Cotabato.
      
Itinuro sa mga inmates ang paggawa ng shopping bags, picture frames at iba pa.
      
Ayon kay TESDA North Cotabato Director Engr. Florante Herrera, ang training ay ibinigay sa mga detainees upang mabigyan sila ng pagkakakitaan.

Mga aktibidad para sa 60th Founding Anniversary ng USM, Plantsado na


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 27, 2012) ---Plantsado na ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-60 foundation anniversary ng pinakamalaking pamantasan sa Central Mindanao, ang University of Southern Mindanao sa Oct. 1, 2012.
Ayon kay VPAA Dr. Antonio Tacardon, sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng floral offering at pagbibigay pugay sa Founder ng USM na si Bai Hadja Matabai Plang sa kanyang bantayog sa harap ng USM Gym.

Number 9 most wanted person sa Kidapawan City, boluntaryo’ng sumuko sa mga awtoridad; Suspected Drug Courier huli sa buy-bust raid ng Kidapawan City PNP


(Kidapawan City/September 26, 2012) ---BOLUNTARYONG sumuko ang number 9 most wanted person sa Kidapawan City na si Jamar Espero Gatchalian, 28-anyos, taga Bautista Street.
       
Ang akusado ay may kasong murder na may criminal case number 496-2007 na inisyu ni Judge Rogelio Narisma.
       
Si Gatchalian ay personal na tumungo sa opisina ni Major Elmer Guevarra, head ng Criminal Investigation and Detection group o CIDG.

Rescue Team na nakabase sa North Cotabato, itinuring na ‘Hall of Famer’ sa buong Mindanao

(Kidapawan City/September 26, 2012) ---ITINURING na ‘Hall of Famer’ na ang 505 Disaster Rescuers for Emergencies, Assistance, and Management, Inc., North Cotabato dahil tatlong beses na itong nasama sa Ten Accomplished Youth Organization o TAYO—Mindanao.
     
Una noong 2008, pangalawa noong 2010 at pangatlo ngayong taon.
     
Nito’ng taong ito, nasama ang 505 DREAM sa naturang patimpalak na nasa ika-sampung taon na ngayon.

Tree Planting activity na pangungunahan ng DILG at KBP sa Kidapawan City, kasado na


(Kidapawan City/September 25, 2012) --- Nakagawa na ng action plan ang Department of Interior and Local Government o DILG at Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP, Kidapawan Chapter sa gagawing tree planting activity sa October 13.
      
Ang aktibidad ay tinawag na ‘Broadcastreeing’.
      
Ito ang napagkasunduan sa ginawang coordination meeting ng DILG at KBP kasama ang iba pang ahensya ng gubyerno gaya ng Bureau of Fire Protection at City Environment and Natural Resources Office.

Compact Flourescent Lamps, ipinamahagin sa Alamada at Pikit, N. Cotabato


(Alamada, North Cotabato/September 25, 2012) ---Sinimulan nang ipamahagi ang mga Compact Flourscent Lamps o CFL sa mga bayan sa unang distrito ng North Cotabato.

Ginawa ang pilot distribution ng CFL sa bayan ng Alamada noong Sabado na pinangunahan ng opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan.

Ipinaliwanag naman ni Engr. Pieldad sa mga benipiyaryo na ang pamamahagi ng mga CFL ay bahagi ng programa ng Department of Energy sa ilalim ng Philippine Energy Efficiency Project o PEEP.

Lolo patay matapos tumalon sa ilog sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/September 24, 2012) ---Di na nagawang maisalba pa ng kanyang pamangkin ang 75-anyos na si Basyo Angos matapos lumundag sa Kabacan River sa may Barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, alas-onse ng tanghali, kahapon.
      
Ayon kay Ryan Migo, 29, residente ng Barangay Katidtuan, Kabacan, pauwi na sila ng bahay matapos mamingwit sa Kabacan River nang biglang tumalon ang kanyang tiyuhin sa ilog.

2 katao huli sa inilunsad na operasyon ng Carmen PNP; kontra illegal gambling

(Carmen, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Arestado ang dalawa katao sa magkahiwalay na operasyon ng Carmen PNP laban sa illegal na sugal.

Kinilala ni PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang mga nahuli na sina Jimmy Padilla at Rudy Espina, nasa tamang edad at kapwa residente ng Poblacion, Carmen, North Cotabato.

Ang mga suspek ay nahuli habang inilulunsad ng Carmen PNP ang kanilang operasyon hinggil sa anti-gambling mula Setyembre a-18 hanggang 21.

Ilang mga kawani ng USM, paparangalan sa 112th Civil Service Anniversary


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Bibigyan ng pagkilala ngayong araw ang ilang mga kawani ng University of Southern Mindanao sa gagawing 112th Civil Service Anniversary program na gagawin sa USM gymnasium alas 8:00 ngayong umaga.

Sinabi ni USM Human Resource Management and Development Director Cynthia Alpas na magiging pangunahing panauhing pandangal at tagapagsalita sa nabanggit na programa si CSC Asst. Regional Director Leopoldo Roberto Valderoza, Jr.

Motorsiklo; ninakaw sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Panibago na naming kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala sa bayan ng Kabacan alas 12:10 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Rey Jame Orados, 25, binata at isang mekaniko at residente ng Doña Aurora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

36-anyos na Ginang, biktima ng budol-budol gang, limpak-limpak na halaga ng pera natangay


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Tinangay ng pinaniniwalaang budol-dugol gang ang libu-libung halaga ng pera ng isang 36-anyos na ginang sa mismong bahay nito sa Datu Piang Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:48 ng hapon nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Emyrose Lachica Farañal, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.