Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasuotang Mindanawon, isasaintablado na mga mag-aaral sa Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/September 27, 2012) ---Isasaentablado ng mga mag-aaral ng Southern Christian College ang ganda ng kasuotang Mindanawon sa presentasyon na pinamagatang 2012 Lantaw Mindanaw: Crossroads of Cultures.


Itatampok ang mga kasuotan sa tatlong panahon.

Unang bahagi ng palabas ay ang indigenous peoples traditional attires. Susundan naman ito ng mga kasuotang Muslim Huling bahagi naman ang mga kasuotang may impluwensyang Kastila at modernong panahon.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng Lantaw Mindanaw, isa itong pagkakataon upang maiparating at maituro sa mga kabataan ang ganda at kahalagahan ng kasuotang Mindanawon.

Layon din ng presentasyon na ipakita ang pagkakaisa ng Lumad, Muslim at Kristyano sa paglipas ng panahon.

Nabatid din na boluntaryong nagbigay ng kanilang mga serbisyo ang ilang designers at peace advocates sa Midsayap para sa nabanggit na stage presentation.

Nakatakdang ipalabas ang Lantaw Mindanaw sa darating na October 2 sa SCC Civic Center, 6PM.
Libre itong mapapanood ng publiko. (Roderick Rivera Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento