Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

36-anyos na Ginang, biktima ng budol-budol gang, limpak-limpak na halaga ng pera natangay


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Tinangay ng pinaniniwalaang budol-dugol gang ang libu-libung halaga ng pera ng isang 36-anyos na ginang sa mismong bahay nito sa Datu Piang Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:48 ng hapon nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Emyrose Lachica Farañal, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na isang babae na nasa edad 39-48 ang pumasok sa kanilang bahay at nag-dramang humihingi ng tulong hanggang sa makumbinsi nito ang biktima na ibigay ang kanyang graduation ring (Holy Cross College) na nagkakahalaga ng P5,000.00, bukod pa sa dalawang mga kwintas na nagkakahalaga sa P22,000.00 at cash money na P5,000.00.

Tinayatang abot sa halagang P32,000 ang nakuha ng suspek bilang kapalit sa isang piraso ng kwintas at bracelet na may diamond ring na ibinigay ng suspek kay Farañal.

Nang dalhin ng biktima ang nasabing alahas sa pawnshop para sa appraisal, ditto na nalaman na ang nasabing mga alahas ay peke.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga pulisya ang nasabing kaso. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento