(Kidapawan
City/September 25, 2012) --- Nakagawa na ng action plan ang Department of
Interior and Local Government o DILG at Kapisanan ng mga Broadkaster ng
Pilipinas o KBP, Kidapawan Chapter sa gagawing tree planting activity sa
October 13.
Ang aktibidad ay tinawag
na ‘Broadcastreeing’.
Ito ang napagkasunduan
sa ginawang coordination meeting ng DILG at KBP kasama ang iba pang ahensya ng
gubyerno gaya ng Bureau of Fire Protection at City Environment and Natural
Resources Office.
Abot sa pitong daan
hanggang isang libong mga mahogany seedlings ang itatanim ng mga grupo sa City
Nursery na nasa Barangay Onica, lungsod ng Kidapawan.
Ayon kay Inecita
Kionisala, Officer-In-Charge ng DILG Operations Officer sa Kidapawan City, ang
aktibidad ay alinsunod sa DILG memorandum circular No. 2012-132 na nilagdaan ng
namayapang si Sec. Jesse Robredo.
Nakapaloob dito ang
pagpapalakas ng kampanya ng pamahalaan laban sa global warming sa pamamagitan
ng pagtatanim ng punongkahoy.
Inaalam pa ng Kabacan
PNP kung ang matanda ay nagpakamatay o sadya lang nahulog sa ilog.
Pero nauna nang sinabi
ni Migo sa PNP na bago sila nagtungo ng Kabacan River, dala-dala umano ng
tiyuhin ang matinding problema sa pamilya.
Di naman raw nabanggit
ng tiyuhin sa kanya kung ano ang bumabagabag na ito sa kanya. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento