Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang preso sa North Cotabato Provincial Jail, sumailalim sa pangkabuhayan training


(Kidapawan City/September 25, 2012) ---Abot sa 45 mga preso ng North Cotabato Provincial Jail ang sumailalim sa isang linggong pagsasanay sa paggawa ng mga produktong mula sa water hyacinth.
     
 Ang training ay pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, sa pakikipag-tulungan ng pamahalaang panlalawigan ng N Cotabato.
      
Itinuro sa mga inmates ang paggawa ng shopping bags, picture frames at iba pa.
      
Ayon kay TESDA North Cotabato Director Engr. Florante Herrera, ang training ay ibinigay sa mga detainees upang mabigyan sila ng pagkakakitaan.

      
Aniya, binabalak din ng kanilang ahensya na bumuo ng asosasyon sa loob ng kulungan ng mga preso’ng gumagawa ng handicrafts.
      
Sa ganitong paraan, maaari silang makahingi ng pondo mula sa Department of Labor and Employment.
     
 Ang pondo’ng ito naman ang ipangbibili nila ng mga raw materials gaya na lamang ng waterlily.
      
Ito raw kasi ay binibili mula pa sa Cotabato City.


Inaalam pa ng Kabacan PNP kung ang matanda ay nagpakamatay o sadya lang nahulog sa ilog.

Pero nauna nang sinabi ni Migo sa PNP na bago sila nagtungo ng Kabacan River, dala-dala umano ng tiyuhin ang matinding problema sa pamilya.

Di naman raw nabanggit ng tiyuhin sa kanya kung ano ang bumabagabag na ito sa kanya. (MCM) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento