Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa pagdiriwang ng anibersaryo sa bayan ng Pikit, N Cot, hinihigpitan na


(Pikit, North Cotabato/September, 27, 2012) ---NAKA-ALERTO ang puwersa ng Pikit PNP,  kasama ang 7th Infantry Battalion at Regional Public Safety Battalion, para tiyaking magiging ligtas ang selebrasyon ng ika-animnapu’t tatlong anibersaryo ng bayan ng Pikit, bukas.
      
Sinabi ni Inspector Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, na tinututukan nila ang pagpapahigpit sa seguridad ng bayan, lalo pa’t nakatatanggap sila ng mga pagbabanta mula sa iba’t ibang mga lawless armed groups.

     
Kumakalat daw kasi sa mga text messages ang mga banta na nagdudulot ng takot at pangamba sa ilang mga residente ng lugar,
      
Gayunman, wala daw dapat ipangamba ang taumbayan dahil kasado na ang mga security measures sa lugar.
      
KAUGNAY NITO, nagpapatuloy ang highway check at ‘Operation: Kapkap Bakal’ ng PNP at Army upang tiyaking ligtas ang mga taong lalahok sa iba’t ibang activities ng foundation anniversary.
     
 Hiningi naman ni Dandan ang kooperasyon at pagiging vigilante o mapagmatyag ng mga mamamayan. (MCM)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento