(USM,
Kabacan, North Cotabato/September 28, 2012) ---Ramdam na ramdam na ng mga nasa
mahigit 16 na libong estudyante ng USM ang taunan at prestihiyosong Pasiklaban
Festival kasabay pa rin ng pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng
pagkakatatag ng USM ngayong taon.
Iba’t-ibang
mga aktibidad ang inihanda ng pamunuan ng University Student Government
kabilang na ang Masaya at mahabang torch parade na sasalihan naman ng
iba’t-ibang clubs, organizations, society at mga non-academic organizations
mamayang gabi.
Bukod
dito, mula pa nitong Lunes, rain or shine naman ang mga estudyante sa pagggawa
ng kani-kanilang mga booths sa USM Quadrangle. Tila extended din ang gabi sa
USM dahil sa maraming mga display sa paligid ng USM Quadrangle.
Tema
ng Pasiklaban 2012 ay “Ikalabing-walang siklab ng Pasiklaban, muling
Pasisiklabin”.
Samantala,
kagabi ay matagumpay namang idinaos ang search for Mr. and Ms. USM 2012 sa USM
Gym. Nagsimula ang programa dakong alas-4 ng hapon kahapon kung saan
nagpatalbugan ng ganda, kisig at talino ang mga kalahok na nagmula sa
iba’t-ibang Kolehiyo ng USM. Para sa karagdagang update kaugnay sa resulta sa
aktibidad kagabi, tumutok lamang sa DXVL Radyo ng Bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento