(USM,
Kabacan, North Cotabato/September 27, 2012) ---Plantsado na ang mga aktibidad
para sa pagdiriwang ng ika-60 foundation anniversary ng pinakamalaking
pamantasan sa Central Mindanao, ang University of Southern Mindanao sa Oct. 1,
2012.
Ayon
kay VPAA Dr. Antonio Tacardon, sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng
floral offering at pagbibigay pugay sa Founder ng USM na si Bai Hadja Matabai
Plang sa kanyang bantayog sa harap ng USM Gym.
Susundan
naman ito ng parade ng iba’t-ibang units ng pamantasan saka didiretso sa Pres.
Asinas Amphitheater para sa anniversary program dakong alas-otso ng umaga kung
saan si Cotabato Governor Emylou “Lala” Taliño Mendoza ang magiging panauhing
tagapagsalita.
Kaugnay
nito, nailatag na rin ng USM Security Force ang mga safety measures upang
tiyaking magiging mapayapa ang pagdiriwang sa Lunes.
Nakasentro
ang selebrasyon ngayong taon sa temang “USM @ 60 and Beyond: Reminiscing,
Celebrating, Empowering.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento