Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo; ninakaw sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Panibago na naming kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala sa bayan ng Kabacan alas 12:10 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Rey Jame Orados, 25, binata at isang mekaniko at residente ng Doña Aurora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Batay sa salaysay nito sa mga pulisya, nabatid na paalis na sana ang biktima kasama ang isa pa nitong kasamahan makarang mag-inuman sa Stallion Resto Basr na nasa Roxas St, ng nabanggit na lugar ng bigla na lamang siya’ng nilapitan ng isang armadong lalaki at tinutukan ng baril at pwersahang kinuha ang minamanehong kulay dilaw na Suzuki Raider150 na may plate number 4756 YF.

Agad naming ikinasa ng Kabacan PNP ang dragnet operation para sa posibleng ikadarakip ng suspek pero bigo silang mahuli ang responsible sa nasabing pagnanakaw.

Sa inisyal na imbestigasyon ang suspek ay may kasama pang limang di pa nakilalang mga armadong mga kalalakihan sakay sa single motorcycle na kulay pula na Bajaj.

Nagpaputok pa ang isa sa mga kasamahan nila habang papatakas mula sa Roxas St.
Narekober naman ng mga pulisya sa crime scene ang basyo ng .45 na pistol.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulisya ang responsable sa nasabing krimen.  (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento