Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-kobra ng ilang mga opisyal ng barangay at munisipyo ng Datu Montawal, Maguindanao sa cash grant ng ilang mga benepisyaryo, paiimbestigahan

(Datu Montawal, Maguindanao/ September 27, 2012) ---Pinaiimbestigahan ni Datu Uttoh Montawal, mayor ng Datu Montawal sa Maguindanao, ang reklamo patungkol sa umano paghingi ng ‘share’ ng ilang mga opisyal ng barangay at ng munisipyo sa nakukuhang cash grant ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

        
Kinuwestyon nya rin ang umano ‘bad timing’ ng paglabas ng isyu.
        
Ilang araw na lang kasi at magsusumite na raw sila ng certificate of candidacy o CoC sa COMELEC—hudyat ng pagsisimula ng election period.
        
Tugon ito ni Montawal sa reklamo ng isang ‘di nagpakilalang 4Ps beneficiary na umano humihingi ng ‘share’ o bahagi ng kanilang tinatanggap na cash grant mula sa gubyerno ng mga opisyal ng kanilang barangay at munisipyo.
        
Sinabi ng complainant na matagal na’ng ‘ginagawa’ ito sa kanilang barangay sa Tunggol, Datu Montawal, pero tila walang pakialam ang kanilang mga opisyal.
        
Kung magrereklamo raw kasi, tiyak, malalagay sa ‘balag ng alanganin’ ang buhay mo.
        
Kaugnay nito, humiling ang complainant na’ wag na siya’ng kilalanin sa ere. (MCM)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento