(Kidapawan City/September
28, 2012) ---PINANGUNAHAN ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and
Management Council ang isinagawang earthquake and fire drill sa City Hall,
pasado alas dos ng hapon, kahapon.
Kalahok dito ang mga kawani ng Kidapawan City LGU.
Itinuro sa kanila ang mga dapat gawin kung may lindol,
sunog at anumang kalamidad.
Layon ng naturang drill na mabigyan ng kaalaman ang
mga kawani sa mga hakbang upang hindi masaktan sa anumang sakuna.
Mga myembro ng Bureau of Fire Potection o BFP
Kidapawan ang nanguna sa isinagawang mga drill.
Ipinayo din ng BFP na ‘wag magpanic sa lahat ng
panahon.
Panic raw kasi ang madalas dahilan kaya’t marami pa
rin ang nasasaktan sa twing may kalamidad. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento