(President
Roxas, North Cotabato/September 27, 2012) ---ABOT sa animnapu’t pito’ng mga
magsasaka sa Barangay Lama-Lama – isang malayong lugar sa bayan ng President
Roxas, North Cotabato, ang dumalo sa isinagawang Agri-Fair Day, kahapon.
Ang
aktibidad ay isang proyekto ng ACF o Action Against Hunger -- isang international
non-government organization na ang pangunahing trabaho ay nakatutok sa
pagbabawas ng mga insidente ng malnutrisyon at kahirapan sa buong mundo.
Ayon
kay Rolando Alvino, food security and livelihood program head ng ACF
International, tumanggap ng tinatawag na, “agricultural voucher” ang bawat
benepisyaryo ng programa.
Laman
ng voucher ang mga farm tools na magagamit ng mga magsasaka sa kanilang
bukirin.
SINABI ni Alvino na pinili
nila ang Barangay Lama-lama dahil sa mataas na kaso ng malnutrisyon at ilang
ilang food security issues doon.
Ngayong
araw, tutungo naman ang grupo sa Barangay Ganatan sa bayan ng Arakan upang
magsagawa rin ng Agri-Fair Day.
Partner
ng ACF sa proyekto ang Cotabato provincial government, at ang LGU ng Arakan at
President Roxas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento