Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Compact Flourescent Lamps, ipinamahagin sa Alamada at Pikit, N. Cotabato


(Alamada, North Cotabato/September 25, 2012) ---Sinimulan nang ipamahagi ang mga Compact Flourscent Lamps o CFL sa mga bayan sa unang distrito ng North Cotabato.

Ginawa ang pilot distribution ng CFL sa bayan ng Alamada noong Sabado na pinangunahan ng opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan.

Ipinaliwanag naman ni Engr. Pieldad sa mga benipiyaryo na ang pamamahagi ng mga CFL ay bahagi ng programa ng Department of Energy sa ilalim ng Philippine Energy Efficiency Project o PEEP.

Kahapon ay ginawa rin sa bayan ng Pikit ang ikalawang araw ng distribusyon ng CFL.

Tinatayang abot sa humigit kumulang 800 energy saving lamps ang naipamahagi sa mga benipisyaryo.

Nasisiyahan naman ang mga kinatawa ng Department of Energy na dumalo kahapon dahil sa naging bmaayos na stratehiyang ipinatupad ng congresional district office at mga barangay officials ng Poblacion Pikit.

Namataan sa nabanggit na aktibidad ang panganay na anak ni Cong. Sacdalan na si Joel Sacdalan. Nabatid na siya ang ipinadalang kinatawan ni opisyal upang siguruhing maayos ang gagawing CFL distribution.

Pinaalalahanan din ni Sacdalan ang mga benipisyaryo na ugaliing magtipid ng kuryente sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan.(RRBautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento