Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo, itinumba ng tandem sa Boundary ng North Cotabato at Maguindanao

Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Patay ang isang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa hangganan ng Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato at Brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao alas 7:30 kaninang umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Julius Malcontento, OIC-hepe ng Carmen PNP kinilala nito ang biktima na si Cpl. Nestor Limbaga ng 37th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Division ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

SB Kabacan, nagpasa ng resolusiyon na humuhiling sa PCSO ng karagdang ambulansiya

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 15, 2015) ---Binigyan ng tugon ng PCSO management ang request ng Sagguniang Bayan ng Kabacan hinggil sa paghingi ng karagdagang unit ng Ambulansiya.

Ito ang nabatid sa isinagawang SB Session kahapon.

2 oras kada brown-out sa service area ng Cotelco, kinumpirma ng tagapagsalita ng kooperatiba

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Kinumpirma mismo sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio na dalawang oras o mahigit pa na power interruption ang kanilang ipinapatupad sa bawat load curtailment na kanilang isinasagawa sa kanilang service area.

Ito makaraang magpalabas ng advisory ang STEAG State Power Incorporated, isang coal fired-power plant na naka base sa Ozamiz ng unplanned stoppage order ng operation sa kanilang unit 2.

Sapat na supply ng Kuryente sa Service Area ng Cotelco, aasahan sa pagpasok ng TSI

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Inaasahang magbibigay ng sapat na supply ng kuryente sa buong service area ng COTELCO ang pagpasok ng Therma South Incorporated o TSI sa ngayong darating na June o July 2015.

Ayon kay COTELCO Spokesperson, Vincent Bagiuo sa panayam ng DXVL News, 10 megawatts umano ang naka-kontrata sa nasabing kompanya.

150MW ng Therma South Inc., inaasahang papasok na sa Grid sa susunod na buwan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Tiniyak ng pamunuan ng Therma South Incorporated, isang power generation sa Mindanao na pag-mamay-ari ng Aboitiz Power na papasok na sa susunod na buwan ang kanilang 150 Megawatts na supply ng kuryente sa Mindanao grid.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Aboitiz Power Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo.

Ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng “force evacuation” sa panahon ng sakuna sa bayan ng Kabacan, isinusulong ng SB

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Isinagawa ang public hearing hinggil sa ordinansang magpapatupad ng forced evacuation sa panahon ng sakuna sa bayan ng Kabacan na ginanap sa Kabacan Municipal gymnasium kahapon.

Ayon kay Sangguniang Bayan member Councilor Rhosman Mamaluba na siyang may akda sa nasabing ordinansa sa panayam ng DXVL News, ito ang kanilang nakikitang solusyon para maiwasan ang casualties sa panahon ng sakuna.

EXCLUSIVE Featured Story: Barangay Malamote, Outstanding Lupong Tagapamayapa!

Writer: Sarrah Jane A. Corpuz-Guerrero


(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Ang Malamote ay isa sa dalawampot apat na barangays dito sa bayan ng Kabacan. Ito ay may  isang libo siyam na raan limam pu o apat na porsyento ng kabuoang populasyon ng Munisipyo. 

Isa itong Rice Farming Community at tanyag dahil sa kanilang pagpapatupad ng katarungan sa loob ng barangay sa pamamagitan ng kanilang Lupong Tagapamayapa.

Taong 2014, nakapagtala ang Lupong Tagapamayapa ng labing pitong kaso ng kriminal at pitong kaso naman ng sibil.

Aboitiz Power Planung magpatayo ng Geothermal Plant sa North Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang exploration ng Aboitiz Power sa bayan ng Magpet, North Cotabato at sa hangganan ng Talomo, Davao City upang alamin kung ang nasabing lugar ay may potensiyal sa geothermal energy.

Ito ayon kay Aboitiz Power Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.

Philippine Statistics Office, nagngailangan ng staff para sa gagawing 2015 Census of Population (POPCEN) sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Nangangalailangan ngayon ng mga aplikante ang PSA na Field Personnels para sa gagawing Census of Population o POPSEN 2015 sa darating na buwan ng Agusto ngayong taon.

Batay sa kalatas na ipinalabas ng PSA, nangangailan sila ng Cencus Area Supervisors, Team Supervisors at mga Enumerator na magtratrabaho bilang Service Contractual.

57 IB pinasinungalingan ang mga alegasyon na gumagamit sila ng menor de edad na guide sa ginagawa nilang operasyon

By: Christine Limos

(Makilala, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Iginiit ni Lt. Col. Jose Rustia, Commanding Officer ng 57 Infantry Battalion na hindi totoo ang mga aligasyon sa kanila. 

Sa ginanap na press conference sa headquarters ng 57IB sa Makilala, Cotabato na dinaluhan ng mga media personnel, ipinaliwanag ni Lt. Col. Rustia na gawa-gawa lamang ang mga alegasyon na gumamit umano ang kanilang tropa ng menor de edad na bata para gawing

41 Kaso ng STI, naitala ng RHU Kabacan

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Umaabot na ngayon sa 41 na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan nitong Buwan lamang ng Abril.

Sa datos na nakalap ng DXVL News mula kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na karamihan sa mga naitalang may sakit ay ang mga babaeng edad 21-30 anyos.

Rape Suspek, arestado!



By: Rhoderick Beñez

(North Cotabato/ May 13, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang ama-amain matapos arestuhin ng mga otoridad makaraang maaktuhang hinahalay ang kanyang menor de edad na anak-anakan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa panghahalay na ginagawa ng kanyang live-in partner na suspek na kinilalang si Eduardo Pastella.

Proyektong pang imprastraktura ng PAMANA katuwang ang LGU Kabacan malapit nang ma-i-turn-over

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Inilatag ng Municipal Engineering Office ang mga proyekto ng PAMANA katuwang ang LGU Kabacan sa ibat-ibang barangay sa bayan na sabayang ituturn-over sa darating sa buwan ng hunyo.

Ayon kay Kabacan Municipal Engineer Noel Agor sa panayam ng DXVL News, karamihan sa mga proyektong ito ay tapos na at malapit na ring matapos ang iba.

Brigada Eskwela 2015 ng Cotabato, kasado na ngayong araw

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Ilulunsad ngayong araw ng Department of Education Cotabato Division ang Brigada Eskwela 2015 sa Katipunan Elementary School sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Ito ayon kay Schools Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Maliban dito, gaganapin naman sa bayan ng Tulunan, particular sa Minapan Elementary School ang paglulunsad ng Regional Level ng Brigada Eskwela 2015 sa araw ng Lunes, Mayo a-18.

Ibat-ibang sektor at NGO’s sa lalawigan ng North Cotabato, hinimok ang mga konggresista na suportahan ang pagpapasa ng BBL

by: Mark Anthony Pispis


Photo by: Zaynab Ampatuan
(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) --- Nag-sumite na ng sulat ang ibat-ibang sektor kasama ang NGO’s sa dalawang kongresista sa North Cotabato bilang pakikiisa sa kampanya na paboran ang pag-pasa sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Kabacan MORO P’CORE Director Zaynab Ampatuan sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng isang peace rally sa Sitio Malabuaya Elementary School, Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan.

Provincial Government ng Cotabato, magbibigay ng incentives sa mga manlalarong namumukod tangi sa Palarong Pambansa

By: Mark Anthony Pispis

Photo by: Benjie Caballero
(Amas, Kidapawan city/ May 12, 2015) ---Makakatanggap ng incentives mula sa Provincial Government of North Cotabato ang mga atletang may na-panalunang medalya sa kakatapos lamang na Palarong Pambansa na ginanap sa Tagum City, sa lalawigan ng Davao del Norte.

Ito ang inihayag ni North Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL News.

Kotse lumiyab sa National Highway ng Kabacan, danyos sa nasabing sunog tinatayang nasa P90K

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Tinatayang nasa P80K hanggang P90K ang halaga ang naitalang pinsala matapos na lumiyab ang isang kotse sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan kahapon.

Ito, ayon kay BFP Kabacan Fire Marshall FSI Ebrahim Guiamalon sa panayam ng DXVL News.

USM, may bagong 11 mga Engineers

By: Mark Anthony Pispis


(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Binigyang pugay ng College of Engineering and Computing ang bagong 11 mga Civil Engineers na pumasa sa katatapos lamang na Civil Engineer Board Examination na ginanap sa .

Ayon kay CenCom Dean Nelson Belgira sa panayam ng DXVL News, mula ito sa 22 na kumuha ng nasabing exanimation ngayong taon.


Pinagmalaki naman ng opisyal na ang USM passing rate na 50% ay mataas sa National Passing Rate na 31.57%.

3 Ginang na sinasabing magnanakaw, arestado ng Kabacan PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlong mga kawatan makaraang mahuli ng Kabacan PNP sa aktong pagnanakaw sa Amplayo Grocery Store sa panulukan ng Aglipay at Jacinto Street sa Brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato nitong weekend.

Kinilala ni PI Arvin Jhon Cambang ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Evelyn Aguilar, 58 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Calumpang sa lungsod ng General Santos, isang Nita Mondija, 53 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Namama, Koronadal, South Cotabato at

Pupunta lang sana ng bukid, magsasaka, itinumba!

By: Rhoderick Beñez

(Kidapawan city/ May 11, 2015) ---Limang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tumapos sa buhay ng isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa panibagong krimen na naganap sa Purok San Vicente, Brgy. Paco, Kidapawan City pasado alas 6:00 ngayong umaga lamang.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, pinuno ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Gerard Henteron, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

3 patay sa panibagong shooting incident sa Matalam, North Cotabato

by: Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Tatlo katao ang naiulat na napatay sa panibagong krimen na sumiklab sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato alas 6:30 kagabi.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News ngayong umaga kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala nito ang mga nasawing biktima na sina Joey Delloso, 31-anyos, may asawa, driver at residente ng Poblacion, Matalam; Geofrey Lauria, maya sawa, croupier (bankero) ng larong toos coin o mas kilala sa tawag na hantak at residente ng Carmen, North Cotabato.

2 sundalo sugatan sa ambush sa Maguindanao

By: Christine Limos

(Maguindanao/ May 11, 2015) ---Sugatan ang dalawang kasapi ng 40th Infantry Battalion sa nangyaring pananambang sa Barangay Timbanagan, Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Col. Joel Q. Mamon Commanding Officer ng 40 IB ang mga sugatan na sina Pfc. Pelomino Albero na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng katawan at si Pvt. Danilo V. Lomoljo na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan at nagkaroon ng pinsala sa buto.

Motorista sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Tulunan, North Cotabato

By: Christine Limos

(Tulunan, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Sugatan ang isang motorista sa nagyaring karambola ng 3 sasakyan sa crossing ng La Esperanza, Tulunan, North Cotabato noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni PI Rolando Dillera hepe ng Tulunan PNP ang sugatan na si Edjean Pagayon, 20 anyos at residente ng Poblacion Tulunan, North Cotabato. Nagtamo ng sugat sa kanang kamay at kaliwang paa si Pagayon.

Cafgu panibagong biktima ng strafing incident sa Pikit, Cotabato

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Pinagbabaril ang isang cafgu sa panibagong strafing incident sa Sitio New Valencia, Barangay Buluan, Pikit, Cotabato alas 8:00 ng umaga nitong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Col. Orlando Edralin Commanding Officer ng 7th Infantry Battalion ang kasapi ng cafgu na si Rodolfo N. Malaguia at residente ng naturang lugar.

Drayber, minartilyo bago tinangay ang motorsiklo nito sa Kabacan

By: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Tinangay ng  di pa nakilalang suspek ang isang motorsiklo sa panibagong carnap incident sa bahagi ng brgy. Kayaga papuntang Brgy. Magatos, Kabacan, Cotabato alas 3:30 kahapon ng hapon.

Sa ulat na ipinarating ngayong umaga sa DXVL News Radyo ng Bayan ni PI Arvin John Cambang ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktimang drayber na si Siban Pinter Makalampao, 20-anyos, residente ng Brgy. Bood, Pikit, Cotabato.

Kabakeños, matagumpay na naibahagi ang mga talent sa katatapos na WEMBOREE: CHANGING THE MINDSET FROM ME TO WE NG DILG PROVINCIAL OFFICE

By: Sarrah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2015) ---Sa katatapos na isa at kalahating araw na Wemboree: Changing the Mindset from me to We, isang activity na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Ali B. Abdullah, matagumpay na ibinahagi ng mga partisipante mula sa Kabacan ang kanilang mga natatanging talento magmula sa pag-awit, pagsulat, paglikha ng sariling komposisyon, sining at iba pa. 

Itinaghal at nanguna si Mr. Neil Jardy Buenaluz sa Jingle Making Contest at Best Camper para sa kategoryang Rehabilitation samantalang naging best Reporter/presentor naman si Mr. Ruben Tagare ng USM.

Truck ng Negosyante, sinunog ng mga armadong grupo

FB: A. Francisco

By: Christine Limos


(Arakan, North Cotabato/ May 10, 2015) ---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman sa extortion ang nangyaring pagsunog sa truck ng isang negosyanteng sa bayan ng Arakan, North Cotabato alas 2:25 ng madaling araw nitong Sabado.

Sa ulat na nakuha ng DXVL News kay PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP nakaparada lamang umano sa harap ng bahay ni Melchor Rivera Anarna, 62 anyos, may asawa at residente ng Poblacion, Arakan ang truck nang sunugin ng mga suspek.

Pagmimina, bawal na sa Davao City

By: Alexander Lopez
(Davao City/ May 10, 2015)  ---Tuluyan nang isinara ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang siyudad sa pagmimina kasunod ng pag-apruba ng Sangguniang Panglungsod, sa regular session nito, sa ikatlo at final reading sa ordinansang nagbabawal sa pagmimina sa lungsod.

Maliban sa quarrying ng mga bato at iba pang mineral resources, nakasaad sa ordinansa na hindi na mag-iisyu ang pamahalaang lungsod ng permit sa anumang uri ng pagmimina sa Davao City.