Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, may bagong 11 mga Engineers

By: Mark Anthony Pispis


(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Binigyang pugay ng College of Engineering and Computing ang bagong 11 mga Civil Engineers na pumasa sa katatapos lamang na Civil Engineer Board Examination na ginanap sa .

Ayon kay CenCom Dean Nelson Belgira sa panayam ng DXVL News, mula ito sa 22 na kumuha ng nasabing exanimation ngayong taon.


Pinagmalaki naman ng opisyal na ang USM passing rate na 50% ay mataas sa National Passing Rate na 31.57%.


Dagdag pa ng opisyal na kung ikukumpara ang resulta ng ranking ng pamantasan sa mga first takers sa Mindanao ay No. 1 ang pamantasan at No. 5 naman sa buong bansa.

Nabatid na 10 mula sa 11 ang mga first takers.

Nagbigay naman ng mensahe ang dekano sa mga estudyante ng CenCom na gawing inspirasyon sa kanilang pag-aaral ang mga ito.


Nagbigay pugay din ang opisyal sa mga faculty and staff ng kolehiyo na isa sa mga dahilan upang makamit ng mga bagong inhenyero mula sa pamantasan ang kanilang kinalalagyan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento