By: Christine Limos
(Makilala, North
Cotabato/ May 13, 2015) ---Iginiit ni Lt. Col. Jose Rustia, Commanding Officer
ng 57 Infantry Battalion na hindi totoo ang mga aligasyon sa kanila.
Sa ginanap
na press conference sa headquarters ng 57IB sa Makilala, Cotabato na dinaluhan
ng mga media personnel, ipinaliwanag ni Lt. Col. Rustia na gawa-gawa
lamang ang mga alegasyon na gumamit umano ang kanilang tropa ng menor de edad
na bata para gawing
guide sa nangyaring operation at IED noong Mayo a sais sa
Brgy. Kabalantian, Arakan, Cotabato na ikinamatay nina Pfc Alfredo Callano, Pfc
Mohalidin Manampan, Pfc Robert Quilangit at ikinasugat ni Cpl. Ariel Blancia.
Dagdag pa ng opisyal hindi nila kailangangumamit ng menor de edad bilang guide
dahil gumagamit sila ng mapa at compass sa kanilang operation.
Ipinaliwanag din
ni Lt. Col. Rustia na noong Abril sais ay may mga NPA na sumuko at nagbalik
gobyerno, isa sa miyembro na sumuko ay menor de edad kaya't malinaw umano na
ang kumakaliwang grupo ang gumagamit ng menor de edad at hindi ang 57IB.
Pangalawa sa pinasinungalingan ng opisyal ay ang human rights violation na
inirereklamo sa tropa dahil gumamit umano sila ng human shield at may
pinaputukang civilian noong mangyari ang encounter.
Aniya, hindi totoo ang
aligasyon dahil walang tao sa encounter site at 1 kilometro ang layo nito mula
sa palayan.
Wala rin umanong civilian na nasugatan ng mangyari ang encounter.
Inihayag din ng opisyal na paakyat sa bundok ang tropa nang pasabugan ng IED at
wala umanong tao sa IED site dahil ang mga miyembro ng NPA ay nagtatago sa mga
maliliit na burol na malapit sa IED site.
Malinaw umano na ang paggamit ng IED
ng NPA ay human rights violation ng International law and armed conflict.
Malungkot din na ipinahayag ng opisyal na mga
buntis ang mga misis ng 2 sundalong nasawi.
16 hours ago
Pangatlo sa
pinasinungalingan ng opisyal ay ang alegasyon na may tinalian umano silang tao pagkatapos
ng encounter at tinorture. Aniya, binabaliktad umano sila dahil ang katotohanan
ay may hinuli at tinaliang tao sa Brgy.Kabalantian ang NPA noong Mayo a dos.
May kasalanan umano sa NPA ang hinuling tao kung kaya't ibinilad sa init ng
araw at sinentinsyahan ng NPA ng 1 taon na jindi maaaring lumabas ng
Brgy.Kabalantian.
Ipinaliwanag ng opisyal na taktika lamang umano ng
kumakaliwang grupo ang mga alegasyon upang mahati ang atensyon ng 57IB sa mga
ginagawang programa tulad na lamang ng katatapos na PDOP program. Zone of
Peace. Joint Memorandum circular at CLIP, programa para sa mga NPA na gustong
magbalik gobyerno.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento