(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Patuloy
ngayon ang ginagawang exploration ng Aboitiz Power sa bayan ng Magpet, North
Cotabato at sa hangganan ng Talomo, Davao City upang alamin kung ang nasabing
lugar ay may potensiyal sa geothermal energy.
Ito ayon kay Aboitiz Power Corp. Corporate
Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo sa panayam ng DXVL News
Radyo ng Bayan.
Aniya, noon pang 2013 sila nabigyan ng
Department of Energy ng service contract para alamin kung ang lugar ay may
mapag-kukunang commercial value.
Giit pa ng opisyal na mahabang proseso pa
ang gagawin dito at kailangan pa nila ng pahintulot mula naman sa LGU,
Provincial Government at sa mga IPs.
“Sakop ng ginagawang exploration area naming
ay ang 10,000 hanggang 11,000 hectares na lupain sa Magpet hanggang sa Talomo,
Davao city”, wika pa ni Rodolfo sa DXVL News.
Bukod dito, may isang area pa sila na Davao
del Sur kungsaan ay kumukuha na sila ng permit mula naman sa mga IP
communities.
Hindi naman ibinanggit ng opisyal kung gaanu
ka-laki na planta ang kanilang ipapatayo hangga’t hindi pa matatapos ang
kanilang exploration.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin