By: Alexander Lopez
(Davao City/ May 10, 2015) ---Tuluyan nang isinara ng lokal na
pamahalaan ng Davao City ang siyudad sa pagmimina kasunod ng pag-apruba ng
Sangguniang Panglungsod, sa regular session nito, sa ikatlo at final reading sa
ordinansang nagbabawal sa pagmimina sa lungsod.
Maliban sa quarrying ng mga bato at iba pang
mineral resources, nakasaad sa ordinansa na hindi na mag-iisyu ang pamahalaang
lungsod ng permit sa anumang uri ng pagmimina sa Davao City.
Ayon sa Section 5 ng ordinansa, “no approval
shall be granted or issued by the city through its Sangguninang Panlalawigan to
any person, natural or juridical, to undertake any and all forms of mining
operation in any area within the territorial jurisdiction of Davao City, except
rocks and mineral substances classified under the quarry resources.”
Ang ordinansa ay sinulat ng mga konsehal na
sina Leo Avila III at Danilo Dayanghirang.
Ang sinumang mapatutunayang lumabag sa
nasabing ordinansa ay makukulong ng hindi hihigit sa isang taon at
pagmumultahin ng hanggang P5,000.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento