Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 patay sa panibagong shooting incident sa Matalam, North Cotabato

by: Rhoderick BeƱez

(Matalam, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Tatlo katao ang naiulat na napatay sa panibagong krimen na sumiklab sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato alas 6:30 kagabi.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News ngayong umaga kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala nito ang mga nasawing biktima na sina Joey Delloso, 31-anyos, may asawa, driver at residente ng Poblacion, Matalam; Geofrey Lauria, maya sawa, croupier (bankero) ng larong toos coin o mas kilala sa tawag na hantak at residente ng Carmen, North Cotabato.

Isa pang biktima ay kinilalang si Ramel Quijano nasa hustong gulang at residente ng brgy. Estado bayan ng Matalam.

Batay sa inisyal na ulat, lulan ang tatlo ng tricycle at pauwi na galing ng nasabing brgy. at pagdating sa Sitio Esmar ay pinaulanan ng bala ang tatlo ng di pa nakilalang mga salarin.

Dahil sa tindi ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan, patay noon din ang mga biktima.

Pinaniniwalaang papunta sa brgy. Estado ang mga ito at maglalaro sana ng hantak ng pagbabarilin ng di pa matukoy na suspek gamit ang M14 rifle, bata sa nakuhang mga bala sa crime scene.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP sa motibo ng insidente.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento