Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 Ginang na sinasabing magnanakaw, arestado ng Kabacan PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlong mga kawatan makaraang mahuli ng Kabacan PNP sa aktong pagnanakaw sa Amplayo Grocery Store sa panulukan ng Aglipay at Jacinto Street sa Brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato nitong weekend.

Kinilala ni PI Arvin Jhon Cambang ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Evelyn Aguilar, 58 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Calumpang sa lungsod ng General Santos, isang Nita Mondija, 53 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Namama, Koronadal, South Cotabato at
isang Narcisa Pepito, 52 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Colonggolo, Surallah, South Cotabato.

Anya, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, na positibong kinilala ng biktima ang tatlong suspek makaraang manakawan ito ng kanyang wallet na naglalaman ng halagang P5,200 habang nag gogrocery sa nasabing grocery store.

Dagdag pa ng opisyal na modos umano ng mga suspek  na magkukunwaring kostumer at pag nakakita ng bibiktimahin ay dahan dahang palilibutan ng mga ito ang kanilang target at dahan dahang nanakawin ang pitaka nito ng hindi namamalayan ng kanilang mabibiktima.

Sa ngayon ay naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang mga salarin habang naisampa narin ang kasong pagnanakaw na kakaharapin ng mga ito.


Nagpaalala rin ang Kabacan PNP sa pangunguna ni PSI Ronnie Cordero sa mga mamayan ng bayan na mag doble-ingat sa pamamalengke upang hindi mabiktima ng kahalintulad na modos operande lalo pa’t may dalawang kasamahan pa umano itong natitira na patuloy pa nilang tinutugis.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento